Bahay* Kubo* ng mga Antik oh Adik? =))

EB Topic!!!

Home
EB Topic!!!
Gawa ni Ich
Ang Alvin bow!
Battle of Naked & Lady
Kwarto ni NAKED
T/S ni TARAY
TåRåy Profile
JOWK
Photos & SN Definitions
B'days & Anniversary....
GueStBooK
Truth "OUCH!!!
Poem's ni Suplada
CHAT life Story...
Tula ni DANILO

Pag uusapan natin about EB...ano nga ba ang EB? naranasan nyo n ba ang nakipag group EB sa mga nakakausap nyo through net? lugar saan? and then kung magkano?  pinag uusapan ba kung sino sino ang dapat maglabas ng pera?  importante dito ung trusted coordinator.
 
I been in so many places para ma meet ko lang ung mga taong nakakausap ko, ito ang experience ko sa Pinas, masaya pero mas maraming tsismiss ang napansin ko after the EB...ang dko maunawaan ay yong taong umuuwi galing sa ibang bansa sya ung ini expect nila magbayad ng kung anomang magastos sa EB na un...tama ba un? paano kung gipit nmn ung umuwi at wala syang budget for a grand EB na sangkatutak na ang aattend?
 
I barely enter the room anymore pero may nasasagap parin akong balita (not sure if this is true) na ang EB ay ginagawa pa raw pagkakakitaan, grand EB dba marami? like ung manggagaling sa ibat ibang bansa..then' ito ang gnagawa ng mga organizer "collect daw sila ng contribution sa lahat ng ofw's tapos d syempre nagbigay nmn bawat isa, ang masaklap doon hindi nmn daw nagastos lahat yong perang naipon, ang gnawa daw pinaghatihatian ng mga organizer ang natirang pera sa EB n yon...waaaaaaaa what a shame sa kababayan natin gnun!! ang tanong ko nmn bakit hindi nila sinuli yong pera sa mga taong pinagkuhaan nila? hahahahaha gnawang pagkakakitaan ang EB!!!
 
Ito pa ha' nakailan taon ka na sa ibang bansa? two? three? four? even 10, 20, 30 yrs?...hala! saan napunta ang pinagpaguran mo? nag ipon ka ba nmn? nakakalungkot isipin na ang  pinagpaguran mo ng ilang TAON  ay mawawaldas lang sa isang iglap, maraming case n gnun dpo ba? ung mga umuuwi try nyo itanong  kung kumusta ang bakasyon dba ito ang linya? "UBOS PERA KO HUHUHUHU" sound familiar? wake up you guys, kaya nga nagtratrabaho ka para makapag ipon ka at para paghandaan ang kinabukasan mo.
 
Just a thought please share ur experience about ur EB thank you guys & have fun!!
 
Taray
 
I agree sabelle i have a experiece very similar to your story
 
Umuwi ako nang pinas 2004 june palang  naka booked na ticket ko naka pag deposite na. ang uwi ko december for a month ang plano. September nabenta ung company nang pinag tratrabahuan ko fulltime  tapos may part time ako  pero fulltime ang bumubihay sa amin nang anak ko nag dalawa isip ako kung uuwi pa ako pero ung deposite ko na 250 di ko na makukuha  tinuloy ko kahit alang pera  pero gusto ma expreince ko ulit ang pinas  more than 10 yrs bago ako naka balik
 
ung one month ko sana stay naging 13 days pag landed ko palng nag pinas ung kaibigan ko pipickup sakin aba may kasama pa yatang alalay 2  pag sakay ko sa upuan sabay gutom na daw sila pinakain ko pa okey lng sabi ko nag tiyaga sila na mag antay sakin para pick nila ako sa airport after 5 hrs na pahinga sa hotel deretso kami sa tagaytay may eb ung group namin asian beauty ang muzikero and muzikera sabinila may fee daw na 1000, per head ung kaibigan ko expect pala niya na ako mag babayad sa kanila  i feel embarass para sa kanila tapos ko binayaran ko sinabihan ko ung kaibigan ko hindi porke galing me sydney mayaman ako kumakayod din ako kagaya nila hindti tumutubo ang pera sa puno na kahit halos laki na ako dito i still need to work my butt off till i can even walk, pare pareho lng namn may sinusuportahan tayo familya hope na maintindihan nila sabi ko sa susunod na anoman gastos sa loob di na ako mag aabono.
 
pag dating sa table batian tapos tahimik na parang bang di mo sila kilala ibang ibaparang ibang tao ang kaharap mo sa taong nakakausap mo sa net... yan na pag kain serve na nag umpisa na sila mag punahan nang damit...pati kulay ko natural akong olive skin or negra kung sa atin tawag hindi porke nasa ibang bansa maputi ka hindi nakaka puti ang klima but andito ang mga product and very affordable para maging makinis ka.. tsimisan, dahil sa ako lng ang balikbayan sa eb sa dami nila sabi tutal daw ako lng daw ang amoy dollor mag pa inom daw ako sabi ko ito nga ala akong trabaho papa inom pa ako... hindi ako sanay na spot ka nila kaya na pilitan ako bumili nang gabi na un di ko malam pano umabot nang ganun ang billis i paid 15,000 pesos sa drink lang .. pag balik ko pa dito sabay pag tsitsimisan na kuripot daw ako at umangal pa daw ako sa presyo ....
 
since then umalis ako sa group nila at di ko na sila kinausap umiwas na lng ako mag tsismis sila hanggang gusto nila pero sa asal nila na ganun sino ang mas nakakahiya.. .
 
lemon
 
so sad naman EB experienced ni Lemon huhuhu.....never pa ako umatttend ng grand EB at never din ako mangantyaw ng mga balik bayan kasi alam ko na halos magpakakuba ang bawat OFW para kumita, common sense na lang sa ibang kababayan natin noh, kaya ka nga umalis ng Pinas kasi kakapiranggot lang ang sweldo, mangilan-ngilan lang naman ang mapalad na taong tulad ni Remo na ayon sa kanya ay kumikita ng 40 K a month, [Gosh! he's so lucky ],
Pero may mga nabalitaan na akong ganyang insidente tulad ng sinabi mo Taray & LEmon, bakit kasi yong ibang kababayan natin marinig lang ang US, Italy, Japan, at iba pang foreign countries tumataginting na pera agad ang nasa isip nila. hindi nila alam na may mahihirap din sa mga karatig bansa. Napakahirap kumita ng pera kahit saang dako ka man ng mundo... ang OFW mag iipon 2-3 years  or more , pinaghahandaan ang kinabukasan ng pamilya. Sa airport pa lang me raket na mga custom staff, porter , at taxi drivers. Pagsakay mo pa lang sa taxi pepresuhan ka ng dolyar, hanep! nasa pinas ka na dolyar pa din ang currency???! !! Hello ! Filipino tayo noh! pambihira talaga ang ibang pinoy...kala kasi nila tumatae ka lang ng dolyar sa ibang bansa, eh matakin nyo pagkakaiba ng Pinas dito na lang sa US.
 
Sa Pinas pag naglalakad ako sa harap ng simbahan minsan sa Mall, me napupulot pa akong 25 cents, eh dito sa US maglakad ka mghapon magdamag wala ka mapupulot even a single penny, kasi pati coins napakahalaga dito, lalo ng sa toll fee, eh sa Pinas naghihirap na tayo at lahat pagnalaglag natin ang coins lalo sa mataong lugar at me nakakita sa iyo na galing un sa wallet o bulsa mo, dedma lang natin ung nalaglag kasi nga barya, nahihiya tayo aminin na puro barya lang pala laman ng wallet natin.
 
Maraming pinoy magaling lang mangantyaw, kapag sila naman ang nasa sitwasyon na sila ang halos mapahiya halos isumpa naman ung mga nangantyaw sa kanya. 15 k na ngastos mo Lemon ay sobra sobra, anyway, charge to experienced na lang yan sis. Dapat siguro sa mga mag eEB, be more organize sila, saka na lang likumin ung pera kung nandun na sila sa Pinas, kung sino ung nandun, siguro mga couple of days before Eb day nasa inyo na ung pera at KKB o share talaga equally.
 
Naked
 
Ito naman saakin about my  EB's
 
Hay ang sarap umuwi sa pinas umuwi ako last 2006  at nakipag Eb  sa kambal ko at kay love  lady down under,, cheeky_licious wow ang ganda nito super puti sabi nga ni ex lesmann   chlorox daw, at itong kambal ko naman ang tangkad, parang poste, c  ading yumi kapareho ko sexy  namin  d ba c ading eniahr naman  sus parang bata at yong kambal saka marami pa, enjoy kami noon, ang saya namin noon kasi talagang nga antik lang at kilala na namin  sa room ng matagl nga yon, talagang miss ko yon ang saya kaya, sana maulit iyon nga kafatid,   calling calling  cheekyyyy paramdam ka naman para  uwi at eb ulit tayo, tapos kami ni kambal  magkatabi pa kaming natulog sa  hotel niya, hmmmm nakaka miss yon ah,
 
sa  second EB ko itong pag uwi ko  nitong  last months april 2009 ok naman kasi nakita ko   c ading eniahr  at sister eraline c ex lesmann at asawa niya c jane, pero  d gaanu masaya kasi wala ading yumi ko kasi may  pinuntahan daw, pwero nag sorry cia saka isa pa   d naman ako nag enjoy kasi that time EB namin stress ako super  bumiyahe ako galing pangasinan  tapos diretso sa Eb waaah tapos  nag LBM pa naman ako.. pero nga naka eb ko  this time nga bago d ko gaanu kilala  pero kahit papaanu masaya naman  kaya lang d gaya ng sa una,
 
ito muna kambal  mag isip muna ako mashare ko
 
Jhena
 do i need to share mine...e ako na ata ang me pinaka madaming EB s OFW30 e   ay...teka teka ....hindi pala...c lesman ata...kc madalas sa kanila ginaganap ang EB e..lalo n sa mga new ones now s rum...basta ako isa lng msasabi ko...though i enjoy meeting new people...its stil not the same being with the antiks...for me its stil d best ( ang kumontra tamaan sana ng kidlat :-" )...un n lng...no more comments na bout this topic..mahirap na at baka mabaril ako sa dapitan
 
 
espiritu ni suplada
Buhay pinoy talaga basta sa mga raket super duper talino.Nung umuwe ko ng pinas 2004 expect ko na gagastos talaga ko.Yaikz! Si Lady na walang pahinga kungdi tulog lang lagi work work. Happy naman po ako kase yung mga pinsan ko gumastos sila Ng trit saken, everyday kahit san kame mag punta at mag
Kayayaan,
 
Promis ko sa sarili ko pag uwe ko mag papakain ako sa  Mga kapit bahay, tinupad ko yun. EB? Hmp! ganon naman talaga kahit anong gawin mo pag uusapat pag uusapan ka, ako naman gusto ko yung Pinag uusapan ako feeling celebrity who cares kahit anong isipin nila basta ang alam ko wala kong ginagawang masama.
 
Siguro yung mga taong galing sa ibang bansa ay free Yung tirahan nila, di kagaya dito sa Amerika lahat sayo gastos, Guys bakit dina lang tayo maging American style? Kain mo, inom mo, bayaran mo,wag umasa sa mga Taong balik bayan.
 
If you wanna have a good time w/t spending  Eh sa park na lang mag latag ng kumot At doon mag kwentuhan.oh diba Sana lang hindi ko po nilalahat yung mga taong pinas Kung gusto nyong makita yung mga ka chat nyo na taga Ibang bansa be fair para walang samaan ng loob. di po ba?
 
Sis taray and Naked, punta kayo dito sa vancouver Ipapasyal ko kayo. but? kayo gagastos ha. nyahahahaha.Si lady lang tour guide nyo. hahahaha then babayaran nyo ko kase kelangan ko book off trabaho ko,Hahahahaha
 
Oi REMO kelan uwe mo ng pinas.laki ng kita mo ha. 40 K(abangan) nyahahahaha
 
LADY
 
well as for my eb experiences... nung umuwi ako ng pinas from dubai talagang wala akong uwing pera... kaya wala talaga silang maasahang eb from me isa pa wala namang nakakaalam na uuwi ako except for some close friends noon...
pero sa mga mabibilang sa daliri na eb na nasamahan ko proves na totoo lahat sinabi mo best... i have seen yung eb noon ni free grabe talaga yun best hindi ko alam kung magkano nagastos ni ed dun pero mas sya gumastos noon imagine it started ng dinner hanggang nagpunta ng tagaytay.... grabe... naranasan ko rin yung sinabit ako best sus nakakahiya kasi di ko naman kilala ung celebrant sa kagustuhan ko lang ma-meet yung iba sumama na rin ako pero kakahiya talaga.....

and additional to facts that you have mentioned about eb's meron din mga umaattend ng eb... sus  mga magkakagalit kaya minsan nagiging tensyonado yung eb dahil dun sa magkakagalit.... yun bang iniisip mo baka bigla na lang magpang-abot hahahahahaha.... and one more thing aside sa gastos sa food venue and everything may ibang kapal muks malayo panggagalingan pati fare nila at hotel sagot nung nagpa-eb... grabe kapal ng mukha.... hahahhahahha....

sana hindi ganun ano... basta pag umuwi ka best wag mo kakalimutan hehehehhehehe.... love you!!!!


ich

Hello everyone po...Ito sulpot na nman ang manok sa Kubo...
 
kakatuwa basahin un mga naging topic, un mga palitan ng kuro- kuro, experiences saka un "asaran" ba yon hahaha...
 
Ako din 2005 may mga naka EB, napakagandang experience regardless of whatever na bulilyaso, but luckily enough wala namn akong naging bad experience, in fact, ang saya nong pagkikita namin ng ilang girls na mga taga rum 30 din, basta masaya kahit pa nagmukhang ako ang nanay nila because puro sila mga bata pa sakin, isa lang ang  may edad sakin na naka EB ko si "ano" basta si love of my life ng manok..
 
Now di ko na nakikita sila but I've heard un iba is already abroad na din...Basta masaya un EB na yon kasama ko pa nga hubby ko and he enjoys it too, enjoy sya taking pictures, sya ang naging photographer ng grupo, bumagay namn sa kanya hahaha...
 
Till here muna, si Sab muahh muaah and sa lahat din ng mga kasambahay muahh muaahh...
 
Love u all...
 
jolibe26
 
 
 
Para maayos at walang samaan ang EB, eto dapat ang gawin.

Para sa mga nagpapaEB:

1. Ipaliwanag nyo ang gusto nyong set-up ng EB.
a) Lugar ng EB
b) Sharing sa gastos
c) Listahan ng mga invited
d) Attire (if necessary) hehehe

2. Huwag mamamalimos este manghingi ng contribution sa ibang
chatter mapa local man or abroad. Siguro kung voluntary silang
magbibigay ng walang kapalit sympre tanggapin, masama daw
ang tumanggi sa grasya hehehehe.

3. Huwag gagastos kung hindi naman bukal sa loob. Baka sumakit
lng ang tyan ng mga aattend ng EB.

4. Siguraduhin ang peace and order sa EB. Mas mabuti kung wag
na lang maginvite ng magkaaway para siguradong walang gulo.

5. Make sure lahat ng umattend ng EB ay magkakaroon ng bonding
sa isa't isa. Iwasan magkaroon ng kanya kanyang grupo sa EB.

Para sa invited ng EB:

1. Wag magbitbit ng hindi invited. Kung talagang gusto mong
magsama, magpaalam muna sa magpapaEB kung papayag. Wag kapal
muks na may kasamang di invited.

2. Wag obligahin ang nagpapaEB na gumastos ng malaki (nsa sa kanya
yun kung gusto nyang gumastos ng malaki or hindi). Kung sharing
naman at di mo kayang magshare, magsabi ka, kung may sasalo sa
gagastusin mo tumuloy ka sa eb, kung wala, matulog ka n lng.

3. Huwag mapanghusga sa mga nakaEB at nangyari sa EB. Kung di mo
nagustuhan ang EB at pati mga nameet mo sa EB, manahimik ka n
lng kung wala kang magndang masasabi. Lahat tayo may kapintahan
pero i'm sure mas marami ka kaya marami kang napupuna. hehehe

4. Wag maging KJ. Magparticipate s mga activities na nakahanda.

5. Magpaalam sa lahat kung aalis na. Iwasang mawala na parang bula
(di ko tinutukoy si tiny dyan).

ETO AY PAWANG MGA OPINYON KO LAMANG PO. KUNG MAY IDADAGDAG KAYO MAS MAGNDA. HEHEHE.
 
Arco
 

 

myspace layouts, myspace codes, glitter graphics"Mataray"myspace layouts, myspace codes, glitter graphics

 

Noong bata pa ako' sabi ng aking ina,

''Anak mag iingat ka sa bawat mong makikilala''

Isang salita noon na di ko alintana

Ngunit ngayon ay nababatid ko na.

Batid ko na ngayon ang klase ng tao sa mundo ay iba iba

 

Mayrong hunyango at may buwaya

Mayrong tunay at kaibigang talaga

Mayrong pag ibig na wagas at walang kwenta.

 

Sa larangan ng pagkakaibigan ako ay maasahan

Kasama mo ako pati na sa iyong laban

Ganyan ako magmahal sa aking kaibigan

Ipaglalaban kita sa kahit na anong paraan.

 

Hiling ko po sa inyo ''huwag akong husgahan..

Mataray na SN ko ay sa pangalan lamang

Totoo po akong tao at inyong maasahan

Mapagmahal at mapagkalinga,

maunawain, masunurin at maalam.

                                                                                                       myspace layouts, myspace codes, glitter graphics