Sana,sa akin na lang
Sana,sa akin na lang iyang isinilang mo
Malaking kagalakan sa puso ni Danilo
Dahil ibig sabihin ay Tatay na naman ako
Kaya ako'y dumadalangin na sya ay anak ko.
Halos di makapaniwala sa nabalitaan ko
Meron daw syang maliit,maliit? ?,tanong ko
Agad na sumagot itong Apong Sab ko
Baby po ang ibig sabihin ko @ paliwanag nito.
Iba ang aking pakiramdam sa sumunod na tagpo
Lalo pa nga't itong si Apo ako ay tinutudyo
At sinasamahan ng konting halong biro
Hindi kaya ang baby ay anak mo Lolo?
Kahit lulan na nitong dyip na papalayo
Ako'y nag iisip nagtatanong dito sa aking puso
Kung nag isipisip ka at di naging palalo
Matatanong mo sana s'ya at iya'y iyong matatanto.
Ipinaliwanag ko na nga dito sa aking Apo
Kami ay nagtalik 2006 Disyembre beinteotso
Na kung iisipin at kung mabibilang mo
Ito ay tumutugma September ang labas nito.
Pero iba ang sinabi nitong Sabelle na Apo
Kung sa akin daw iyon bakit walang alam ako
Dahil sa galit ba itong dating Lola mo
Kaya Ayaw ipabatid sa maloko mong Lolo.
Kahit pa sinabing magmove on na daw ako
Di pa rin mawalay dito sa isipan ko
Parating sumisingit dito sa kalooban ko
Marahil nga Danilo iyon ay Baby mo.
Iiwan ko na lang sa inyo ang katanungang ito
Na sana ay mapayuhan ang abang lingkod ninyo
Kung sakali mang may magsasabi sa inyo ng totoo
Pasasalamat na lang ang sukli ni Danilo.

**Paano na,Ngayong Wala Ka na?**
Ang katagang ito'y lagi na lang dito sa isipan
Pilit na inisip kung bakit nagkaganyan
Tapat naman ang hangarin nitong Abang Datan
Naging makasarili nga lang kaya ako ay iniwan.
Isang taon at kalahati na itong nakakaraan
Ngunit hindi pa rin kita malimut-limutan
Ang ating nakalipas na pagmamahalan
Nakaukit pa rin dito sa puso ko at isipan.
Mahirap daw malimutan kung may pinagsamahan
naging iisa kayo sa katawan at sa puso man
Kulang na lamang ay basbas ng simbahan
O itong tinatawag nilang kasalan.
Sa ngayon ay nag iisana itong tinatawag nyang Datan
Halos di maisip na nasira itong kaligayahan
Nais manbg ibalik nausyaming pagmamahalan
Titiisin ko na lang kahit minsan minsan nasasaktan.
Sakali mang makarating ito at sana naman
Ako ay humihingi sa kanya ng kapatawaran
Dahil sa mga inugali ko at aking inasal
Siya may napatawad na ng ang maga bata ay tawagan.

**Sa Aking Pag-iisa**
Minsan sumasagi dito sa aking isipan
Bakit kaya hindi ka makalimutan
Dahil ba sa ating mga pinagdaanan
Ang namagitang pagmamahalan.
Nguni't sa tuwing sasagi na ako'y iniwan
Hindi maaaring sumakit yaring kalooban
Lalo na't nag iisa nakatingin sa kawalan
Bakit naman po ganito ang kinasapitan.
Sa aking pag iisa ang hindi maiiwasan
Ang paulit-ulit na namnamin ang nakaraan
Kahit na iyong iniwan at pinabayaan
Nandito pa rin at humuhinga pa naman.
Kaya sa pag-iisa ay wag mong kalimutan
Na balik-balikan itong ating nakaraan
Di naman cguro lahat ay kalungkutan
Merong nakakakilig at naglalaway minsan.(ay sori po
)
Kaya ang tula kong ito sa inyo ay iiwan
Kayo na po ang bahala kung naintindihan
Baka lang makarating sa inampalan
Baka murahin ako at kanyang tatawagan.(sana nga
)(Hahahaha
)

**Kalimutan mo Ako**
kalimutan mo man ako iyan ay nasasaiyo
kung nais mong malimutan internet iwasan mo
habang nananatili ka sa harap ng pc mo
hindi mo malilimutan itong si Danilo
iwasan mo ang lahat ng kaugnay ay ako
ni sa cellphone iwasan mo ang pakikipagnobyo
habang tumatagal at ityan'y nagawa mo
malilimutan mong naging bf mo ako.
iisa lang itong masasabi ko sa iyo
mahalin mo na lang ulit iyang asawa mo
dahil sya lamang ang laging kasiping mo
pasasaanba't papanain kang muli ni Kupido.
alam kongnasabi itong si Suplado mo
na kapwa ninyo mahal ang mga asa-asawa nyo
ang sa akin lang nmnbuo pa pamilya mo
'wag hayaang magkalamat at mabasag ito.
sa ngayon ay malasakit na lang ang ganti ko
sa lahat lahat ng pabor ko sa iyo
di ko malilimutan 'gang buhay ako
salamat sa lahat sa mga nagawa mo.

''Pikit Mata,Kagat Labi''
Ito ang naranasan ko sa unang tatlong taon ko
Pikit mata,kagat labi lang itong nagagawa ko
Walang akong kaalam alam sa bansa ng Koreano
Puro iling at tango na lang itong isinasagot ko.
Ngunit sadya yatang ang Pinoy at matatalino
Natuto akong magbasa at sumulat ng Koreano
Ngunit di ko naman magamit itong dila ko
Nauumid ako pagnagsasalita na ako.
Sa halip na mag aral ng salitanmg Koreano
Sila ang natuto sa mga sign language ko
Ang lahat ay nagiging epektibo
Natatawa na lang itong batang amo ko.
Hanggang sa dumating ang araw na mauwi ako
Ni hindi ako nagsalita o nakipag usap sa Koreano
Sabi ko kung English yan ay meron ako
Dahil daldala ko,ito lang sa bulsa ko.