"Kwarto ni Naked"
Dito sa aking kwarto , tuloy
po kayo
Imbitado ang lahat,babae,lalake,bata
man o lolo
Silip na kayo sa aking kwarto
Tingnan nyo ako sa lahat ng
anggulo.
Ano ang gusto nyo, makikita
mo
Dito sa aking kwarto
Libre kahit ano
Tihaya,tagilid o padapa man
ako
Wag lang nakatuwad kita na kuyukot
ko
Sssh...wag maingay sa aking
kwarto
Dito ako lang ang maririnig
mo
Unggol na kaylambing at nakakaliyo
Kapit at baka mabasa mo sahig
ko
.
Salamat po sa pagbisita sa aking
munting kwarto
Nawa kahit pano "naano
" ko kayo
At nawa sa muling pagpasok nyo
Magbaon ng basahan para sa sahig
ko 
Naked

Hayup na kombo
Nakanganga si buwaya
Ngipin ay kitang kita
Nag aabang ng karneng paborito
nya
Na malalaglag sa bibig na nakabuka
Tulo pa ang laway hanggang sa
baba nya.
Pagtapos ng pagngata ng karneng
paborito nya
Didighay sabay tirik pa ang
mga mata
Babalik sa tubig na malansa
At doon mamamahinga pansamantala.
Sa kabilang pampang,samantala.
..
Si elepante
tila may nginangata
Ang kanya paboritong mani na
sariwa
Mamamasa masa at tila may dagta.
Ang kawawang elepante
ay nabigla
Si kuto sa kanyang likod biglang rumagasa
Hanap ng dugo sa kanya'y mahihita
Na sa kanyang gutom ay aapula.
Sa pagkagulat ni elepante
Takbo sa tubigan parang
matatae
Di mawari kung dahil ito sa
mane
O dahil kay kuto na nakakarinde.
Si buwaya ay
nagitla sa pamamahinga
Mata ay dumilat ,at sa nakita...
Sisid ulit sa tubig na malansa
Nais lapitan ang dambulang nang
abala
Lumapit sa elepanteng
may kagat na mani
Na sa tubig ay di mapakali
Napapaunggol na di mo mawari
Pilit winawagayway si kuto na nasa kili kili
Sa pagwawala ni elepanteng
may kagat na mani
Di namalayang si buwaya
ay kanyang napipi
Naapakan ng kanyang mga paang
piki
Na sa pagwawala dahil kay kuto
na nangingiliti.
Kawawang buwaya
na napipi
Sa malansang tubig nawala ang
ngiti
Pinanawan ng buhay, tikom ang
mga labi
Kinitil ng elepanteng
mahilig sa mani.
Itong elepanteng
mahilig sa mani
Nakakarma na tila sa kakain
ng mani
Sa kanyang pagwawala, galit
na tinimpi
Nadulas sa bato mga paang piki
Si kuto mula
sa kanyang kili kili
Lumipat sa ulunan abot tenga
ang ngiti
Duguan si elepanteng
mahilig sa mani
Agaw buhay nangingitim mga labi

Naked
siMANloloko
Manloloko gawa gawa lamang ba
ito,
O may katotohanan sa likod ko?
Maraming narinig na balita tungkol
sayo
Bakit di maipaliwanag ito ng
husto?
Dila at daliri ay nauumid ano
nga ba ang totoo?
Bakit di mo aminin ng harap-harapan
sa mundo?
Salitang mahal mo ako,
Yan ba ay alam mo?
Magmahal ng kapwa , pano gagawin
kung sarili ay niloloko?
Ano ba ang pakiramdam ng ginagawa
mo
Ego tripping lamang ba ito?
Kabilaang mga babae kinakarir
mo
Ngayon naglalabasan sa lungga
mga ito.
Ang masakit lamang dito
Kaytagal mo pala akong niloko
Pinaniwala na ako lang mahal
mo
Sa likod ko ay mayron pa palang
isa pang mahal mo.
Sa kabila nito ay nagpapapasalamat
ako
Habang maaga nalaman na ito
Hulog man ang loob sa iyo
Akin ng kikitlin damdaming minsan
ay napasaiyo.
Pagpalain ka nawa ng mga tulad
mong unggoy sa iyong panloloko.
Naked
'Pagbabalik ng Patay'
Sa iyong pagbabalik ika'y nagsusumamo
Na ika'y muling mahalin at tanggapin ng
taos puso
Ganon lamang ba kadali , gamutin sugatan
kong puso?
Na bigla mong iniwan,at ngayo'y nais ibalik
matamis na pagsuyo.
Nais kong ipaalam sa iyo,
Na ako ay tao,
Hindi isang trapo
Na basta mo na lang iiwan
Anomang oras na gustuhin mo
At saka babalikan sa oras na kailangan
mo.
Ngayon ang sugat na ito
Kaya pa bang gamutin ng pagmamahal mo?
Na sinagad ng paghihintay , makailang ulit
na ito?
Pagod na ako sa mga "sorry" mo
Ngayon ang laro mo ay magiging laro ko.
Naked

Pusong Nagdurugo
Ngayong araw ng mga puso
Puso koy nagdurugo
Iyong sinugatan ng sinirang
mga pangako
Di mo alintana ang aking pagsusumamo
Na ako'y wag saktan bagkus mahalin
ng taos puso.
Ngayong araw ng mga puso
Sa akin ito ay siphayo
Sa sakit na nadarama ng iyong
paglayo
Nais ng limutin ang nagdaang
pagsuyo
Na iyong pinalasap, ngunit biglang
naglaho.
Saan ka man naroroon sa araw
ng mga Puso
Hangad ko pa rin ang iyong
kabutihan, kahit nasa malayo
Iyo sanang matagpuan ang tunay
na makakasuyo
Na sa iyo ay magmamahal ng taos sa kanyang puso....
......at
higit sa isang pangako.!
Naked
"Lamat"
Kahit anong gawin
Pagdikit dikitin
Unti-unti mo mang pulutin ,
At isa-isahin.. .
Mabuo mang muli naroon pa din
Ang lamat
na likha sa aking paningin.
Pilit mang dayain aking damdamin
Hungkag na ang puso sa iyong
hinaing
Pilit ng mga ngiti ang 'yong
naaangkin
'Di tulad noon, taos sa puso
at aking damdamin.
Sa iyong pagsusumamo puso ay
nahiling
Akin ng kalimutan at ika'y patawarin
Pag-ibig na akala ay buo pa
ring kakamtin
Lamat
ay naroon at nag uumigting.
Naked
"BASAHAN"
Tulad ko ay isang basahan,
sa iyong pagbalewala
Damdamin kong nasasaktan
di mo na alintana.
Mga mata kong hilam
na sa luha
Sa patuloy mong sa akin
ay pagbalewala
Tigang na puso sa iyo'y
nagmakaawa
Yakapin mo ako ng iyong
mga salita
Punuin mo ng katotohan
ng iyong mga gawa
Ngunit lahat ng iyon
ay iyong binalewala.
Tulad ng isang basahan
na nakatunganga
Kung kaylan mo gagamitin
saka mo masisipa
Upang ingudngod sa sahig
na nanggigitata
At pagkatapos mong gamitin
sa patabi na uli ang sipa.
Ngunit ang basahan rumurupok
din
Sa tagal ng di nalalabhan
pagtapos gamitin
Sa dami ng dumi at nangingitim
Kusa ng nasisira di na kailangan pang punitin.
Naked
Pangarap ko
Noong bata pa ako di pansin
bagay na ganito
Sabi sa sarili pantay pantay
lahat ng tao
Yan ang bigay ng Dyos sa inyo,
Tanggapin na lang at wag ng
magreklamo
Ngunit ang tao sadyang magbabago
Araw araw nawawalan ng kuntento
Dito makikita kung ano ang gusto
Para sa sarili na salat sya
dito
Noon akala ko pare-pareho
Katawan, buhok at mata ng
tao
Oo pantay nga ng bilang mga
ito
Ngunit hindi pantay ang hugis
at laki nito
Noong ako ay magdalaga akala
ko dibdib ko
napakalaki na
Pilit itinatago sa suot na kamiseta
Nakasando na at may bra pa
Ngunit ng sumapit sa edad na
husto na sa pagdadalaga
Ako ay naghangad ng higit sa
kanila.
Pangarap ko maging mayabong
sya
Aking dibdib mapuno na tila
parang bola
Magmamalaki sa gitna ng iba
Na tila nagsasabing " ako ang
pinakamaganda"
Ngayong ang pangarap ay narito
na
Dala ko na sya sa aking pag
asa
Buo na ang aking dinadala
Ngayon tulad ni Sabelle ako
ay si booba na 
Naked
Pag- ibig
Paggigsing sa umaga
Maamo mong mukah ang nakikita
Oras ay hinahatak upang makausap
na kita
Tanda ba ito na pag- ibig na nga
nadarama?
Mahal nga ba kita o miss lang ata?
Hindi lang mahal.....mahal na mahal
pa
Kulang mga salita na aakma sa ating
dalawa
Damdaming nag- aapoy , nagsisiklab
na.
Mabibigyang katuparang kaya natin
sinta
Mga binuong pangarap nating dalawa
Mundo mo at mundo ko nati'y mag
iisa
Magsasanib damdaming naglalagablab
talaga?
Hindi na mapigil mapamahal sayo,alam
mo ba?
HIndi na maturuan puso ibaling ko
sa iba
Dito sa puso ko, ika'y nakaukit
na
Pag aari mo ako buong puso at kaluluwa!
Ang pag- ibig nga namang talaga
Sadyang mahirap pigilan ang hatak
nya
Habang pinipigilan damdaming nadarama
Lalong nag- aalab, halos matupok
na.
Naked
Nakaw na PAG - IBIG
Nakaw na pag - ibig..
kaysarap...kay init
Bakit sa puso at isip
hindi ka maiwaglit
Maging sa pagtulog,
ikaw ang panaginip
Kasama kita, ako'y nasa
iyong mga bisig.
Nakaw na pag- ibig,
talagang nakakapanabik
Tulad ng bawal na gamot
ako'y naadik
Walang oras na sa iyo ako'y nananabik
Sa iyong mga yakap at
maiinit na halik.
Nakaw na
pag -ibig nagsusumiksik
Sa aking puso at diwa
at aking isip
Kung ano ang hindi dapat , doon nagpupumilit
Sadyang tukso kang nakakakilig.
...
Sa nakaw na oras puso
at katawan magkasanib.
Naked
Nakaw na Sandali
Magsing- irog sadyang
nawiwili
Sa mga nakaw na sandali ay di matali
Pinagsasaluhang mga sandali
Bawat galaw at kilos may pagmamadali
Nakaw na sandali
Sadyang walang pinipili
Mapakalye man o tabi
ng pusali
Kaligayahan dito ay
sadyang binabawi
Nakaw na sandali nakakapanabik
Oras na takda nakakainip
Heto na at tayo ngayo'y magkaniig
Mga halik at yakap nya na nakakakilig
Sa wari ko litid ko'y mapapatid.
Sadyang masarap nakaw
na sandali
Oras sa kanyang piling
nais na mabawi
Damdaming nag aalab pagmagkatabi
Hindi mapipigil ano man ang mangyari.
Oras ay tapos na sa
nakaw na sandali
Oras na naman ng aking
pag uwi
Muling sinisipi kaylan
kaya uli
Muling magaganap nakaw
na sandali?
Nawa aking hiling ay
wag mabali
Sa madaling panahon
tayo'y magkitang muli
Samahan mo ako sa ating
nakaw na sandali
Pag ibig mo ang tanging
aking minimithi.
Naked

Sadyang makapangyarihan
ang puso
Ayaw man ng isip, iba
pa din ang gusto
Pilit ka mang limutin,
pilit na rumerihistro
Masasayang mga sandali
noon sa piling mo.
Tinangkang limutin damdamin
para sayo
Ngunit di magawa kaytigas
yaring ulo
Sinaktan mo ng lahat
ang damdamin ko
Puso'y nagmamahal pa
rin sayo ng todo.
Tanda mo ba ng ika'y
lumayo?
Halos madurog yaring
aking puso
Nagtatanong bakit nagkaganito
Ginawa ang lahat para
sa ikaliligaya mo.
Lumipas ang panahon
iyong napagtanto
Ngayon heto ka muling
nanunuyo
Nais muling gamutin
aking siphayo
Sugat sa puso na naampat
na ang dugo.
Itong tangang puso ayaw
magturo
Ikaw ay kalimutan at
ako ay sumuko
At huwag na muling
pag alabin damdaming tuliro
At muling ibalik ang
dating pagsuyo.
Hangang ngayon inaaminin
sayo
Mahal pa rin kita at
di nagbabago
Ngunit takot na muling
kang lumiko
Muling matukso at saktan
muli itong aking puso.
Naked
Pagsisi
ni ano???( hehehe)
Ilang ulit na nagpapaliwanag
Ilang ulit ng sa iyo ay nais tumawag
Batid mong di ko pa
magawa ang lahat
May balakid pa ang ating
landas
Batid ko ding kayhirap
gamutin
Sugatang pusong dati'y
inangkin
Wag pagbawalan puso
natin muling paglapitin
Hindi ko matanggap na
tuluyan mawalay ka sa akin.
Heto ako gumagawa ng
daan
Pag iibigan natin muling
bigyan ng puwang
Sa masalimuot kong
kalagayan
Tatahakin ang lahat
mahalin mo lamang
Muli ang taong sayo ay tunay pa ring nagmamahal.
Sabi sa sarili "kung maibabalik ko lang"
Ating kahapong puno
ng lambingan
Hindi na nanaisin pang
ikaw ay iwan
Ipagpalit sa tulad nyang
isang buwang!
Aking mahal, iyong unawain
Kalagayang gipit ay
intindihin
Di ko nais mawalay ka
pa sa akin
Sukdulang ako ay magbaging
Maabot ko lamang muli
ang iyong pagtingin.
Ngayong ako ay nagsisi
na
Sa nagawang sa iyo ay
pagbalewala
Akoy patawarin at muling
magsimula
Magandang samahang puno
ng adhika.
Naked

Miss kita 
Miss
kita,alam mo ba
Naalala ko noong tayo ay magkasama
Baby mo ako at nanny kita
Pati sa aking paglalakad nakaagapay
ka.
Masakit man para sa akin na iwanan
kita
Ito ang mas tama sa mata ng iba
Tanging larawan mo na lamang sa
akin ay natira
Ang laging minamasdan ko sa tuwi-tuwina.
Sa ating huling pagkikita ng ako
ay paalis na
Luha ko'y dumaloy sa aking mga mata
Ang tangi kong nasambit "ayaw ko
sana
Sa piling ay mawalay pa.
"
Luha mong pinipigilan ay kumawala
na
Kagat labing sinabi mong " Mahal
na mahal kita"
Iyon lang ang nasabi at wala ng iba
Kasunod non ay hagulgol , at tumalikod
ka.
Habang ang eroplang sinasakyan ay
nasa himapapawid na
Halos nais pang tumalon pabalik
sa piling mo sinta
Nais pagsisihan ang desisyong iniwan
ka
Tama ba ito o pagkakamaling inabandona
kita?
Miss na miss kita aking sinta 
Naked
Pangako ng
sinungaling 
Isang malaking pagkakamali ng kita
ay mahalin
Ibinigay ko sa iyo ang puso at damdamin
Ngunit ano ang isinukli , ang ako ay saksakin
Tinarakan ng dusa ang puso kong
maramdamin.
Isang pagkakamali ng ako ay paangkin
Sa isang tulad mo na ubod ng sinungaling.
Lahat ng babae mo na iyong chinaring
Pinangakuan ng lahat ng pangako
mo rin sa akin.
Salamat
na lamang at ako ay nagising
Sa aking pagtulog na ubod ng himbing
Nakita ko na ang lahat ng pahirap
mo sa akin
Pagpapakamartir ko hindi mo man
lang pinansin.
Tanda mo pa ba ng lumigaw ka sa
akin?
Ito ang sabi mo iyo sanang alalahanin
"Hindi kita paluluhain,maniwala
ka sa akin
Mahal kita at walang makakapigil sa atin"
Ngunit ang pangako, dinala ng
hangin
Tinangay ng ipo-ipo at nagpagiling
giling
Ngayon napatunayan ko ang iyong
pagkasinungaling
Pangakong nabitin di mo binigyan
ng pansin.
Naked
Selos
Ano ba itong nadarama ko?
Inis,galit, duda at lito
Tila yata may nangyayari sa likod ko
Na di ko mawari kung ano.
Gulo na ang isip sa takbo ng mundo
Bakit ganito pakiramdam ko?
Nagngangalit ang bagang sa tindi ng hinalang
ito
Niloloko ba nya ako o ano?
Selos.... lason sa isipan ito
Pumapatay ng relasyon at sakit ng ulo
Ito ay aatake pagmahina ang puso,
Umunawa at tumanggap ng mga patotoo.
Naked
Bato balani
Bato balani ang nais ipabatid
Isa kang gayuma na laging umaaligid
Hindi matanggihan ang hatak na hatid
Walang pagtutol sa isip ay sumisigid
Bato balani, Kay hirap iwaglit
Kahit nakapikit , sa puso ay pagkit
Ang larawan man o pook sa aki¢y pilit
Tinatawag ako sa kanya daw ay lumapit
Bato balani alipin mo ang lahat
Sa lungkot at dusa ikaw ay salat
Mga mata na kahit gising o mulat
Pagsunod sa iyo at sadyang maluwat
Mahika o karisma ka sa lahat
Sa diwa ko walang pagtutol sa iyong matapat
Sunud sunuran sa bawat mong paghikayat
Buong pagsuyo na sa iyo'y sasapat.
Bato balani isa kang agimat!
Naked