Bahay* Kubo* ng mga Antik oh Adik? =))

Home | EB Topic!!! | Gawa ni Ich | Ang Alvin bow! | Battle of Naked & Lady | Kwarto ni NAKED | T/S ni TARAY | TåRåy Profile | JOWK | Photos & SN Definitions | B'days & Anniversary.... | GueStBooK | Truth "OUCH!!! | Poem's ni Suplada | CHAT life Story... | Tula ni DANILO

Poem's ni Suplada

251067_217240468294754_100000264064361_854859_7714281_n.jpg

 
SA CHAT...

Ika'y nakilala't minahal ng tapat
Hindi alintana anuman ang sabihin ng lahat
Masilayan ka lang ay masasabi nang sapat
Larawan mo'y tangan hanggang sa king pagmulat

Hindi ka man mahawakan nang malapitan
Sa aking diwa ika'y aking tangan tangan
Puso't isipan ko'y binihag mo ng lubusan
Nananahimik na damdamin nahulog na nang tuluyan


Inaabangan pagkatok sa king pintuan
Umaasang masisilayan SN mo aking mahal
Kapag nakikita na damdami'y hindi maintindihan
Galak sa king puso'y hindi mabigyang kahulugan

Ngunit bakit bigla ika'y nagpapaalam
Nasan na'ng mga pangakong minsa'y binitawan
Paano na'ng mga pangarap kung ika'y lilisan
Paano na ang damdaming sa yo lamang inilaan

Kay saklap naman nitong aking naranasan
Ako'y iyong iniwang sugatan at luhaan
Kung nalaman lang sana'y di na natuklasan
Pagmamahal na tapat di na sana nabahiran

Ilang araw ang lumipas unti unti nang nalilimutan
Kabiguang naranasan sa mundong ginagalawan
Pilit kinakalimutan mga alalang nagdaan
Pilit ikinukubli mga matang sa luha'y hilam

Nguni't bakit eto ka't muling nagbabalik
Ginugulo na nman mundo kong nanahimik
Gustuhin mang buhayin galit sa king dibdib
Bakit ang puso'y sa yo pa din nananabik

Sa chat pagmamahal nga ba'y isang biruan
Hindi ko mawari ako ba'y pinaglalaruan
Nagmahal lang naman ito ba'y kasalanan
Bakit ba tadhana'y sadyang kay lupit naman

Eni  

 
 
 
Ang Aking Tadhana
 
 
Mahal mo siya mahal ka niya di nga ba't dapat ito'y sapat na
Ngunit bakit kay lupit naman ata dulot nitong tadhana
Pag ibig daw nati'y hindi kailanman magtutugma
Pagmamahalan daw nati'y hindi laan sa isa't isa
 
 
Puso't isipan ko'y sadyang nababalisa
Hindi alam ang gagawin ano kaya't sumuko na
Pilit sinubukang ika'y iwasan at limutin na
Ano't me kirot sa puso ko sa isiping ika'y mawawala
 
 
Bakit nga ba ika'y nakilala't binigyang pansin pa
Kung dulot nito'y dusa't pasakit lang pala
Pano na ang pusong ngayo'y naiwang nag iisa
Mundo kong puno ng kulay ngayo'y kumukupas na
 
 
Pano nga bang limutin pag ibig na sinisinta
Kung sa gitna ng lahat mahal pa rin kita
Ngunit tadhana na nga ang siyang nagpasya
Hamakin man ang lahat wala na ring magagawa
 
 
Kaya't sa aking paglisan pabaon ko'y isang alaala
Nais ko'y iyong panghawakan saan ka man magpunta
Pagkat alay kong ito laan lamang para sa yo sinta
Dahil para sa kin ikaw lang ang natatangi kong tadhana
 
 
Mare sensya na ha...rush lng to e...bc lng po tlga ko sa work these past few days...waaaaaaa Galing po to sa orig SN mo which is...CALIGIRL..i didnt use ur name nor ur mahiyain SN kc lam ko dami nang gagawa for u ng mga yan...lolz! Anyways.....this is for you.....HAPPY BEERDAY MARENG SAB!!!
 
C - ARING…ganyan siya bilang kaibigan mo
 
A - MAZING...mga ideas sigaradong maiinluv kayo
 
L - OVING…mahal na mahal ng nag iisang niyang BANGKO
 
I - DEAL GIRL…almost perfect ano pa nga bang hahanapin mo
 
G - EORGEOUS…kahit sinong wafu mapapalingon dito
 
I - DOL…bawat kababaihan hangad ay maging tulad mo
 
R - EAL FRIEND…makakaasa kang andito lang ako
 
L - ONG LASTING…pagkakaibiga'y asahang di magbabago
 
Luvu Mareeeeeee...Wish you all the best...Wag ka din pong magbabago...Mwahhhhhhhhh
 

 

 
Kung mahal mo ang isang tao

" Kung mhal mo ang isang tao di mo siya hahayaang mawala sa yo..di sasaktan..di pglalaruan..di paaasahin..di babalewalain..kundi iingatan at paglalaban..at higit sa lahat.. di mo IIWAN.."

 

...di lang ni minsan ko siyang isinuko...hinayaan ko siyang mawala noon dahil alam kong mali...pero eto pa rin ako't patuloy na ipinaglalaban ang pagmamahalang ni hindi ko alam kung saan ang patutunguhan...basta't ang tanging alam ko lang mahal namin ang isa't isa...sa ngayon yon na muna ang pinakamahalaga...libre nman ang mangarap di po ba...

Tukayo ...hehehe ...huli man daw at magaling naihahabol din...na traffic lng po ng konti ...luvu po! Happy Beerday! Wish u all the best...Mwah!
 
 
D - estiny Reine orig na SN niya
E - ternity Moment ung isa pang gamit nia
S - adistang mahiyain name naman ng baby nia
T - ukayo naman tawagan naming dalawa
I - naanak cia ng ninang mataray nia
N - inong si Bench na kay Anne ay karibal nia
Y - an ang tukayo ko sadyang mahal ko cia
 
R - eine ang ngalan nitong champion nating wafa
E - ndless love naman ang offer ko para sa kanya
I - ibigin ng lahat dahil sa katangiang taglay nia 
N - andyan cia 24/7 at handang damayan ka ...kaya't para sa kanya
E - tong handog ko'y mapagtyagaan sana niya ...ikatuwa nawa ng nag iisang mahiyaing_matampuhin ng trenta
 
Eniahr73
 
ANG TANGING ALAY KO
 
Pag-ibig na wagas ang alay ko sa yo
Ikaw lang ang itatangi nitong puso ko
Minamahal kita ng higit pa sa buhay ko
Wagas na pagmamahal pakaasahan mo
 
Laman ka ng isipan ko sa bawat minuto
Dala dala ang alaala mo sa puso’t isipan ko
Wala ka man ngayon dito sa tabi ko
Pagmamahal mo naman ang siyang tangan ko
 
Pakaasahang hindi kailanman magbabago
Lagi na’y dito lang ako para sa yo
At sa bawat tagumpay pa na pagdadaanan mo
Asahang di ka iiwan at patuloy pang magmamahal sa yo
 
Kaya’t sa ika anim na buwan nating anibersaryo
Tulang mula sa puso lamang ang tanging maiaalay ko
Hindi man ito isang mamahaling regalo
Tanging hiling lamang sana’y ingatan mo
 
Gawing inspirasyon sa bawat galaw mo
Gawing gabay sa bawat hakbang mo
Pagkat sa bawat tagumpay na kakamtin mo
Kasiyahan at tagumpay na din ng aking puso
 

 IBANG KLASE TALAGA!!!

 

Pag puso na ang siyang tumirada

Mga pangungusap sadyang matalinhaga

Maipadama lang sa taong sinisinta

Bakit nga ba pag puso na ang nakataya

Gagawin ang lahat para sinta’y lumigaya

Di ka man hamak na magaling sa mga kataga

Lalabas at lalabas din ankin mong pagkamakata

O pag-ibig bakit sadyang pasaway ka

Pagmasdan yaring nagawa sa aking mga katropa

Binihag mo mga puso nitong mga wafu’t wafa

Masdan mo nga't naging mga lahi ni balagtas pa

 

 
A LOST LOVE
A composition by Rhaine
 
I told myself it’s not fair
Having this feeling of in despair
Why do I have to feel this way
Knowing everything won’t be ok
I’m not aware it will be like hell
Loving someone who’s beyond there
But my mind says “I don’t care”
For my heart’s already in a spell
I don’t intend to fall
For I know heartbreak’s a sore
But who would know what’s in store
If fate by chance, did it all
Now it’s time for me to let go
Of the feelings, I now can’t control
For I might end up hurting myself more
Knowing there never will be a tomorrow
 
 
YOU ARE MY EVERY THING
A composition by Rhaine
 
You are my heart…my life…and my soul
For without you, I’d rather breath no more
You are my comfort…my dreams…and my hope
For without you, how can life be worth living for
You are my inspiration…my strength…and my goal
For without you, how will I dream of moving on
You are my notes…my instrument…and my song
For without you, there’s no one to play those
You are my pain…my heartache…and my sadness
For without you, life is but emptiness
You are my stars…my moon…and my universe
For without you, life is but total darkness
You are every thing in this world…I want to feel
For it’s you, that I want to share my life with  
You are every thing in this world…I want to keep
For God knows…without you…I’d rather not live…
 
 
YOU’RE THE REASON
A composition by Rhaine
 
You bring smile to my face
In every thought that you share
Makes me feel loved and safe
In every step that you make
You bring happiness to my heart
And keep me comfort from afar
Makes me feel that I’m needed
Whenever I think I am not
You bring pleasure to my life
With you, I feel I can survive
Shared with me an unselfish love
And expect nothing in return for that
You’re the reason I like to live
It is you that I want to be with
For life means living miserably
If it’s not you that I’ll share it with
 
 
Shadow Word generated at Pimp-My-Profile.com 

 

myspace layouts, myspace codes, glitter graphics"Mataray"myspace layouts, myspace codes, glitter graphics

 

Noong bata pa ako' sabi ng aking ina,

''Anak mag iingat ka sa bawat mong makikilala''

Isang salita noon na di ko alintana

Ngunit ngayon ay nababatid ko na.

Batid ko na ngayon ang klase ng tao sa mundo ay iba iba

 

Mayrong hunyango at may buwaya

Mayrong tunay at kaibigang talaga

Mayrong pag ibig na wagas at walang kwenta.

 

Sa larangan ng pagkakaibigan ako ay maasahan

Kasama mo ako pati na sa iyong laban

Ganyan ako magmahal sa aking kaibigan

Ipaglalaban kita sa kahit na anong paraan.

 

Hiling ko po sa inyo ''huwag akong husgahan..

Mataray na SN ko ay sa pangalan lamang

Totoo po akong tao at inyong maasahan

Mapagmahal at mapagkalinga,

maunawain, masunurin at maalam.

                                                                                                       myspace layouts, myspace codes, glitter graphics