Bahay* Kubo* ng mga Antik oh Adik? =))

Battle of Naked & Lady

Home
EB Topic!!!
Gawa ni Ich
Ang Alvin bow!
Battle of Naked & Lady
Kwarto ni NAKED
T/S ni TARAY
TåRåy Profile
JOWK
Photos & SN Definitions
B'days & Anniversary....
GueStBooK
Truth "OUCH!!!
Poem's ni Suplada
CHAT life Story...
Tula ni DANILO

Animated candy cane striped bar

best friends  best friends.


"Lady_playmyself "

 
LAdy_playmyself , taguri sa sarili
Sa "paglalaro" dyan ako ay nawili
Sa kulay at anyo "toy" ko ay 'di pahuhuli
May "glow in the dark" pa na umiilaw lalo na sa gabi.
 
I love my toy b'coz it makes me so happy
Ito na tuloy ang patuloy kong hobby
Mainam na ito kesa sa isang hubby
Sakit lang ng ulo ,and  I don't want to kill somebody.
 
Kay "glow in the dark" ako mas wili
Tayong tayo na mistula isang matigas na haligi
Kahit ako ay "tapos na" ilaw ay laging sindi
Na tila naghahamon na sabi...
 
"ANO KAYA MO PA BA NG ISA LADY???"
 
Naked.soul5
 
 

NAKED

 

Una kong nakita mga post mo

Na bighani ako sa mga tula mo.

 

Sabi ko sa ina ng tahanang ito.

Gusto ko makilala ang hubad na anak mo

Ini Add ko ang sn mo na nakita ko sa

bahay na ito.

 

Nag tagpo ang HUBAD, TARAY at AKO

Tawanan gulungan ana walang todo.

Hinawakan mo ang mikropono.

Bilib ako sa talento mong,

 

ahhhhhhh ummmmmm ahhhhhh

Come on lady its coming...... .. 

Hindi ko alam ikaw palay isang

experto.

Hehehe...... .. sis naked akoy turuan mo.

 

LADY

Paggiling ni Naked
 
Naked o hubad ang tawag sa akin
Wildflower unang sn ng akoy gumiling
Sa rum na kinagisnan ng may maglambing
Nagpabyu sa lalake un pala ay Charing!
 
Akala ko macho, sarap pa namang karirin
Matipuno nyang dibdib pinakita sa akin
Buong akala ko ako ay aakitin
Yon pala ay ipapakita ang kanyang aahitin
 
Malago nyang dibdib sarap sana sisirin
makapal na buhok sarap tirintasin
hinala ko sa dibdib sya ay kutuhin
pagkat nagkakamot ng aking mapansin.
 
Ano ba titah! pm nya sa akin
Turuan mo akong ang kilay koy ahitin
"Malay ko naman jan palagay mo sa akin ?
ito ngang kili kili ko akin ding pasanin "
 
 
Nadismayang feeling
Sa isang waffung Charing
Dedma ko na lang and i stop remembering.
"LEt's be  friends "sabi sa akin.
Ano magagawa ko alangan naman kita ay reypin
.
 
Kaya naman po ang aking hiling
Sa pananahimik minsan ako'y imaginin
kasama ko na naman ang waffung  charing
gumugulong sa rum at sabay may giling .
 
 
Naked
 
 
LADY
 
Ladybug_pretty77 yan ang sn ko
Mula ng umpisa hanggang ngayong
Antik na ko,
 
Sa rum ng 30 alang alam kung di mang
Agaw ng mikropono.
Walang makakaagaw hanggat boot nyo ko,
 
Minsan lang umibig sa mundo ng NEt
pangako sa sarili ko, kung mabibigo ako
paalam sa inyo.
 
Tumagal hanggang ngayon ang pag ibig na
Iningatan ko.
 
Ang mag mahal ay hindi biro, kailangan ng pasensya
at pag kakaintindihan nyo.
Malayo man kayo sa isat isa ay dapat na ipangako
Nyo, na kayong dalawa anuman ang dumating sa
Sakuna sa RELASYON nyo.
 
 
LADY
 

Mataray

 
hmmm ...mataray daw dating ko sabi ng iba sa inyo
bakit naman kaya dahil ba sa kaprangkahan ko?
katarayan bang magsabi ako ng totoo?
di ko feel magpakaplastic rurupok lang ako.
 
Bakit pag nagsasabi ang tao ng totoo'
Ang sasabihin sayo "sinisiraan mo ako"
Kapag naman nagsinungaling ang sagot ay ganito
"bolera ka masyado lumubog ka sana sa inidoro!"
 
Pasensya na mga amiga ko at amigo
Naturalesa ko lamang po ito
Kapag di ko feel at naasiwa ako
Care ko ba ano man sabihin nyo!
 
Kaya naman po tinaguriang Mataray ng bahay kubo!
 
Naked
 
MATARAY
 
Tahimik akong tao, yan ang pag kakakilala nyo
Sa personal isa kong mataray na kaga nyo.
May kuwentang katarayan na alam kong mananalo ako.
 
Mga taong malapit sa puso ko sa bahay  na ito.
Hindi ko kayo pababayaan yan ang tandaan nyo.
Apat na taon na nung makilala nyo SN ko.
 
Iba sa inyo alam ko bale wala ako.
Hindi ko care kung ano isipin nyo
Tao lang ako munong kumilala at mag patawad
sa isang kagaya mo.
 
Waaaaaaa sis taray and naked
Anong ginawa nyo?
Si lady na dating tahimik ngayoy magulo.
 
Lady

Bahay ng Siga
 
Dito po sa amin , Bahay ng Siga
May nagkakatuwaang mga ate at Kuya
Dito nagkikita kita ang mga magchichika
Puno ng kwentuhan ng pakikibaka.
 
Nang sa bahay na ito ay ako mapunta
Wala akong hinuha kung sino sino sila
Mainit na tinanggap ang aking apila
Mainit na tinanggap maging ang presensya .
 
Ito ang bahay na nakadalawang taon na
Dinaanan man ng bagyo , ngunit nakatayo pa
Dumaan man ang delubyo,tuturukan naman pagdaka
Upang magiging matatag at kaiga igaya.
 
 
Naked.soul5
 
Bahay ng Siga
 
Sa bahay na ito ako naging Masaya,
hindi ko lubos maisip kung gaano
na ko ka aktibo, simula ng maging
member ako.
 
Date basa and stay quet ako,
ngayon? isa nako sa anak mong
pasaway or makulit pa sa bata.
 
Hindi ko alintana, masyado akong
naaaliw pag my message ako galing sa
bahay kubo, mga kapatid dito alam kong
totoo, hindi ka iiwan or pababayaan sa
gitna ng laban mo,
 
Ina ng kubong ito ay talagang totoo
masarap isiping akoy naging parte ng sigang ito.
 
Tandaan nyo kahit hindi tayo ng kikitakita ng
personal, palagi kasama kayo sa panalangin ko
Mamasang ikaw ang naging inspirasyon ko
Take care of your self lalo na ang FAMILY mo
 
Salamat sayo sabelle ko at akoy tinanggap mo sa bahay
kubo mo, always remember na mahal ko kayo
 
Lady
 
Para sayo Blu
 
Blu kung tawagin  sa bahay na ito
Akala ko blu baby ng lumabas sa mundo
Blu din ba kulay ng balat mo?
Pasa ata yan ng pagkakabalibag sa iyo
 
Sensitibo ang blu sa ibang isyu dito
"Panay daw reply nya wala naman atang tao"
Akala ata nya , ginawang kodiko
o pinang iwang sa damuhan ng umebak ako
 
Isa ito sa masugid na tagasubaybay ko
sa Kwento ni Mila na nakakahilo
atat na malaman ang kapatapusan ng kwento
Nang tapusin ko naman sabi bakit dinalian ko"
 
Teka muna blu ako'y nalilito,
tuloy taranta pati ang mundo
Sabi mo.." nabibitin lagi ako..
Naked kelan ba matatapos istorya mo?"
Bakit ng matapos ... bitin ka ano?
 
 
Kaya naman po dahil sa iyo
Buong puso kong iniaalay ang tulang ito
Para sayo Sis Blu kasama ng kalendaryo
idikit mo sa dingding at tapalan ng aspalto
 
Ito ang magsisilbing memorabilya ko
Sa nabuong samahan dito sa bahay kubo.
 
 
God bless you sis blu!!
 
Naked
Para sayo blu
 
Blu ang tawag sayo pasaway na sn mo,
Sn blu pag pasok sa rum ng 30.
walang eepal anjan na sya.
 
Unang pasok ko sa rum ng 30
Sabi ko sa sarili ko sino kang asul ka.
Satuwing makikita ka sa rum ng 30
Akoy laging nakatawa.
 
Minsang na ka pm ka Sn mong blu ay
Brown pala, mula sa kutis mong brown
Kalooban mo ay GINTO pala.
 
Mag ingat ka sa araw araw na dumadating
pogi mong si James ay alagaang mabuti.
Sabihin mo sa kanya
 
Hintayin ang magiging anak kong si maria.
I love you sis Blu yan ay totoo
Kung anuman ang maipapaglingkod ko
Wag mag atubiling akoy i pm mo.
 
Hangad  ko ay kaligayahan mo at ng mag ama mo
Buong puso kong hinahandog ang salaysay kong ito.
 
LADY

LUHA 
 
Umibig ng tapat ang puso kong ito
Ngunit bakit ako ay pinaluluha mo?
Hindi pa ba sapat ang pag ibig ko sa iyo
Ibinigay na lahat pati ang yaman ko?
 
Masakit tanggapin ang katotohanang ito
Pikit matang tinanggap ang paghamak ng mundo
Tutol ang lahat ng mga kaanak ko
Sabi nila ako lamang ay paluluhain mo.
 
Walang salitang tumimo
Ni walang pinaniwalaan, kahit na sino
Sayo lamang nakasentro ang aking mundo
Sa lahat ng ito , ang gantimpala ay ano?
 
Luha at luha... luha ng siphayo.
 
Para sa lahat po ito na lumuluha ...sis Ich lumuluha ka ba  wag iiyak masama matuyo ang luha   pagtigas nyan magiging muta ... keep on smiling ....keep it up sis ICh.
 
Naked
 
LUHA
 

Ang pag luha ay hindi lamang sa mga taong bigo sa

pag ibig.

Lahat tayo ay may kanya kanyang dahilan ng pag luha.

Pag ng mahal ka wag mong kalimutang ang kaligayahang

tinatanasa mo ay walang kapalit na luha.

 

Sa mundong ito may kaligayahan, kalungkutan, at

Mapait na luha.

Tao lang tayo na marunong masaktan.

Kung anuman ang pait ng pag luha mo?

 

Wag mong kalimutang may familya ka kubong ito

Na handang makinig sayo at mag bigay ng payo.

 

Sis Ich always remember were here for you, sana po malusutan mo na

yang gumugulo sayo. kung gusto mo ng advice sis andito lang ako

Lady at your service handang mag turo sayo ano man ang gusto mo

 

LOVE YOU GUYZ

Lady

 
sagot ko po ito sa tulang "Luha" na ginawa nina sis Naked & Lady for me... best eto na bagong gising na naman best mo... to follow ung sa'yo best... hehehhehehe love u best love yah sis naked & pau... sis naked add mo ako ha...
 
 
 
NAKED & LADY HUBAD
 
Dalawang babaeng walang katulad ang ganda
Maraming kalalakihan ang nahahalina
Nakilala ko dito sa bahay na masaya
Aba'y makukulit din pala sila
 
Makatang hubad na nasa Amerika
Napakagaling humabi ng istorya
Talagang sinubaybayan ko ang kwento niya
Kahit na ako ako'y naiinip na
 
Ito namang dalagang lady hubad ang ating pag-usapan
Nakilala ko ng ako ay puntahan
Dito sa aming munting tahanan
Di ko akalain kakaiba ang libangan
Kaibigan wag mong kakalimutan pangko mong laruan
 
Luha, pamagat ng tulang kanilang ginawa
Hindi ko alam dahil sa akin nalikha
Nang aking mabasa ako'y nabigla't natuwa
Kaya ako ngayon napilitan gumawa ng tula
 
Milya-milya man ang layo ng aming kinaroroonan
Ngunit ito'y hindi naging hadlang sa aming pagkakaibigan
Sila'y kaibigan na laging maasahan
Sa gitna ng problema'y hindi ka iiwanan
 
 
ich

Prinsesa

 
Mula pa lang sa aking sinapupunan
Sabik na sabik ng kita ay mahagkan
Inip na inip sa siyam na buwang nagdaan
Halos ibig hatakin kamay ng orasan.
 
Hinanda  na ang lahat ng iyong pangangailangan
Na sa iyong paglabas ikaw"y pasasalubungan
Ng mainit na halik at yakap sa aking kandungan
Pagkalinga sa iyo na walang kaparam.
 
Sa iyong paglabas sa mundo ng kaliwanagan
Una kong narinig ang "uha" mong mainam
Na sa  aking dibdib syang pumuno  ng kaligayahan
At  naging sanhi ng mata kong sa luha ay hilam.
 
Ang aking Prinsesa ay kanilang pinaliliguan
Nakakatuwa mukha mo ay pagmasdan
Mala Anghel na mukha tila walang kaparam
Oh Prinsesa ko!, labis ang aking kagalakan.!
 
Ngunit sa mga panahong ikaw may karamdaman
Ako ang higit na unang nasasaktan
Nananalangin na sana ako na lamang
Ang bigyan ng iyong mga karamdaman.
 
 
Di alintana ang puyat at kapagalan
Mahalaga sa akin ang iyong kapakanan
Handa akong isakripisyo ang aking kakayanan
Masiguro ko lamang ang iyong kaligtasan.
 
Ganyan kita kamahal oh Prinsesa ko,
Iingatan sa lahat man ng dako
Ako ang magiging sandigan mo
Hanggang sa pagputi ng mga buhok ko.
 
Munting Prinsesa ng buhay ko!
 
 
Naked.soul
 

PRINSESA

 

Salamat Prinsesa sa buhay koy ikay dumating

Sa aking pangungulila ikay aking kapiling

At pinapawi mo lungkot ko sa yakap mo't paglalambing

Mga halik mo sa pisngi koy pumupukaw sa aking

damdamin.

 

Ang halik mong kay sarap isipin,

Mahal kita mahal kong Prinsesa yan ang lagi mong iisipin.

Marami mang pagsubok sa buhay nati'y tatahakin

Ngunit di yon maging hadlang sa aking tungkulin

 

Na kayoy gabayan ko sa buhay na inyong tatahakin

Katumbas man nito'y krus kong papasanin.

Pag-ibig ko sa iyo Prinsesa ay walang hangganan

At ito'y di matutumbasan kahit anong yaman

 

Wala man akong ginto sa inyoy iiwanan

Pagmamahal sa kapwa yan ay lagi mong tatandaan.

Mahal kita Prinsesa buhay ko may itataya

Magkasama lang tayo sa hirap at dusa

 

Ano nga ba ang silbi ko mabuhay sa mundo

Kung ikaw Prinsesa wala sa piling ko

Dahil sa buhay ko'y ikaw ang tanglaw ko

 

Ang nagsisilbing ilaw sa madilim kong mundo.

Pagod man ako sa maghapong pag-asikaso

Halik at yakap lang tanggal na pagod ko

Sa gabi'y nama'y masahiin nyo ako.

 

Tandaan mo mahal kong PRINSESA

Pangaral koy lagi mong dala sa isip at puso mo tuwina

Mawalay man ako sa mundo akoy masaya na

Dahil nasilayan ko na ang lahi kong maganda

 

Sana maabutan ko pa ang apo ko sa paa

Wag lang yong may kulogo yon ay ibang usapan na

Basta ikaw at ako lagi mag kasama

 

Lady

Lady Rampa!

Avah na naman at Avang talaga!
Ang babaeng mapaglaro ay talagang rumampa
Ayaw ng paawat may sariling version pa
Mga tula ni Naked tinapatan nya!
 
Lady maghunus dili ka!
Di kaya ika'y sinasapian na?
Ng kaluluwa ng magkasintahang Florante at Laura
Todo emote pa at nadadala na
Lalo na ng kanyang version ng "PRinsesa"
 
Hala at may tula pa para kay Suplada
Kay blu at Ich na mga kasangga nya
Ano kaya ang nakain at humahataw na?
Iba pala ito machismaks nag iinit pati tumbong nya!
 
Kaya ingat kayo at wag padala
Sa sinasabi ni lady na tahimik sya
Eto na ang isang malaking pruweba
Lumabas na at nagtatalak na talaga....
...si lady rampa
 
Naked
 

 
Lady & Naked
 
Dalawang babae sa kubo nagkakilala
May pagkakapareho ang ugali nila
Ang isa ay "mapaglaro" at isa nama'y ungulera
May kanya kanyang talento na kakaiba 
 
Si lady na mapaglarong mag isa
Maraming koleksyon, iba iba ang porma
May antigo pa yata sa garage sale nakuha
Wag yan Lady baka maputol  at sa iba mapunta
 
kay Naked naman ihanda ang inyong mga tenga
Pagsampa sa mikropono uungol talaga
"Babateh ko muna kayo", yan kanyang linya
Mga manyak lutangan taas pati mga paa
 
Dito nagkasama dalawang bida ng pantasya
Ngayon sa kubo magkatunggali sila
Sagutan ng tula , at talastasan ng linya
Sana ito ay makaya ko pa"
 
Ano man mangyari sa atin lady
Isama mo ako sa iyong trophy
Pagtanggap mo ng money treat ko ko sa Jollibee
Gusto ko ung ung chicken joy at tsaka spaghetti
 
Naked
 

Chadik

Paggising sa umaga upo na sa harap ng mesa
Kaharap ang computer mag oonlyn na
Ala syete nag umpisa  na animo ba'y opisina
Simula na naman ng paggulong at chicka
 
Oras na ng tanghalian hindi nya alintana
Mga alaga sa tyan , nagrarambulan na
Kumakalam na sikmura pinaghintay muna
Wag lang mawala sa gulungan nila.
 
Dapit hapon na, nagsuklay ka ba?
Tanda ko kaninang umaga sa iyong pagbuga
Panis na laway mo nangalingasaw pa
Hindi mang lang nagmumog, balahura talaga!
 
Hapunan na nakaupo ka pa?
Tingnan mo kuyukot mo at makapal na
Puro chichiria laman ng bodega
Mula umaga at meryenda
Ginawang hapunan pa ang natira.
 
Tulog na ang lahat,ika'y gising pa
Hindi na nahiya madaling araw na,
Panay pa ang kanta na tila may banda
Pagtilaok ng manok , sinabayan pa ng tawa.
 
Naked
 

Sirena at Sireno

 
Narinig nyo na ba tawagang ito?
Nang unang marinig dedma lang gawa ko
Ngunit noong paulit ulit sa pagpasok ko
Sa rum na tambayan ..."hmmmm... teka iba na ito"
 
 
"Webee sa iyo sirena ko!"
"Ganun din sa iyo aking Sireno!"
Tinanong ko muna ang sirena ni sireno
"Sis ano ba naman yang tawagan nyo?"
 
Sagot ni sirena "wala lang kasagutan ko ito"
Pero teka, hindi kapani - paniwala "ano ka hilo "
Tinanong ko naman ang kanyang sireno
Sagot ba sa akin "ewan ko jan sumagot lang ako "
 
"Waaaa!" ang nasabi sa sobrang gulo
Ayaw pa umamin  na may halayan dito
"Alam mo ba bakit ka tinawag na sireno?"
Hindi ko alam bakit ano ba ito?
 
Ogag na sireno sumagot ang bobo
Simpleng kahulugan hindi alam kung ano
Sireno dahil maninisid kayo!
Park lang sa rum ang sn at byuhang umaatikabo!
 
Kung mamarapatin mo, nais palitan ito
Sireno mo ay gawing syokoy , mas bagay sa iyo
Malansa mong amoy nasusuka ako
Lumayas ka sa tabi ko at dudura ako!
 
Naked
 

"Ang Lobo"

Ako ay may lobo
Hinipan ni Lolo
"Apo tangan mo
baka malipad sa kanto"
 
 
Nagtatakang lolo
Tinanong ang apo
"Saan ba galing apo
itong iyong lobo?"
 
Tila iba yata, ang amoy nito
Mabango at kay tamis na parang taro
Kulay ube at malangis nanlalagkit ako?
BAkit ng hipan ko para akong sumuso?
 
Ang inosenteng lolo
kasama ng apo
Walang kaalam alam kung ano ito
Nang makita ng anak nya itong si lolo
Ang tanging nasambit.... "itay ano ka ba bakit mo hinipan "kapote ko!?"
 
Naked
 

Mahiyaing Siga
 
Mahiyaing Mahiyaing Siga , astig ka na ba?
Subukin ko tatag mo kung ika'y tutumba
Sa palagay mo ba ikaw ay handa na?
Humarap sa pagsubok at panlilibak nila
 
Dati ang mahiyain  ni ayaw kumanta
Ang lahat ay nagulat , sila ay namangha
Bakit ngayon ang mahiyain ay naging isang Siga na
Hindi lang pagkanta pati pambuboot pinasok pa .
 
 
Naked
 

Mahiyaing Siga

 

Mahiyaing Sn sa Ofw ng simula

na dating walang kibo pag sila ay kinukutya.

Ngayon ang Mahiyain ay naging Siga na

lahat pinaglalaban  sa bawat laban.

 

Hindi paaapi sa kahit na sinuman,

pag pasok sa rum humanda ka kaibigan

manahimik kana lang

 

Akoy naging saksi sa kanilang katahimikan

hindi ko akalaing yon ay may hangganan

Mahiyaing Siga na ngayoy sa kubong walang kasiyahan

 

Salamat sayo Reyna ng tahanan

akoy ibinilang mo sa

Mahiyaing Siga ng kubo.

 

Lady halay

Ich wag ng lumuha
 
Kagitla gitla at talagang ako'y namangha
Tulad ni Lady, si Ich ay tumula
Aba ang Naked bad influence pa ata
O baka naman sila ay may talent ng sadya?
 
Si Ich na lumuha... eto at tumutula
Nagpapasalamat sa aming ginawa
Ay bakit mo naman sasayangin ang iyong mga luha?
Papangit ka lang nyan  at ikay magkakamuta.
 
Dito ka na lang sa bahay kubo laging magsadya
Loob mo gagaan at gaganda pa ang mukha
Tingnan mo kami ni Lady biglang bumata
Isip, katawan at damdamin biglang nanariwa.
 
Kaya kaibigang Ich wag ng lumuha
Dito ka sa tabi ko ako ang bahala
Loob mo'y pasasayahin at papawiin ang luha
Ibuhos mo sa kubo ang damdaming nanlata.
 
Naked

KARIBAL
 
Kahati, Kasalo yan ang aking akala
Magnanakaw ng pagmamahal sa taong may may- ari na
Itinuring kang kaaway subalit mali pala
Ang buong akala ko ko'y naguho ng malamang ikaw pala ay biktima
 
Heto ang aking "karibal" ngayon ay kasama
Itinuring na kaibigan at taong talaga
Palad nya at  palad ko ay sadyang iisa
Nagmahal sa iisang lalake na bulaan pala
 
Karibal ko...kaibigan ko, kaibigang talaga
Nagising sa bangungot na napasukan nya
Nakapag isip ng tama at ngayo'y husto na
Iniwanan ang hudas na nanlinlang sa kanya!
 
Naked

Bato balani

 

Bato balani ang nais ipabatid

Isa kang gayuma na laging umaaligid

Hindi matanggihan ang hatak na hatid

Walang pagtutol sa isip ay sumisigid

 

Bato balani, Kay hirap iwaglit

Kahit nakapikit , sa puso ay pagkit

Ang larawan man o pook sa aki¢y pilit

Tinatawag ako sa kanya daw ay lumapit

Bato balani alipin mo ang lahat

Sa lungkot at dusa ikaw ay salat

Mga mata na kahit gising o mulat

Pagsunod sa iyo at sadyang maluwat

 

Mahika o karisma ka sa lahat

Sa diwa ko walang pagtutol sa iyong matapat
Sunud sunuran sa bawat mong paghikayat
Buong pagsuyo na sa iyo'y sasapat.

Bato balani isa kang agimat!

 

Naked

Tatlong Maria
 
Tatlong babae ang humahabi,
Ng tula sa pagtutunggali
Nagsasagutan na 'di mawari
At  may malasakit sa bawat sarili.
 
 
Itong si Maria Criselda
Isang simpleng dalaga
Ngunit sa halayan matindi pala
Talo ang hubad kapag rumampa!
Sa palagay ko madami itong fafa!
 
Ang ikalawang Maria ay si Paulina
Hilig ay paglalaro sa twina
Ngunit nag iba ng raket ang loka
Tumula na rin ang kanyang pangrampa!
 
Ang huling Maria ay si hubad na
Laging umuunggol tulog man o gising pa
Kanyang talento talagang kakaiba
Lahat ng patay napapatayo nya
 
Wag lang may arthritis o rayuma
Pantukod na katapat nila
 
 
Inyo pong kilalanin ang Tatlong Maria
Na lagi nyong nakakasama
Malayo man sa isa't- isa
Dito sa kubo ay nagsasama-sama
Nagbabahagi ng anuman meron sila.
 
Naked
 

Tatlong Maria

 

 

Hanga ako sa dalawang maria

Sa bilis ng daliri pati ng utak nila.

Version ng pag papakilala ni PAULINA

 

Unang Maria si faye na taga engkantada

Magaling sa makata pati sa pag halinghing nya

Hindi ko akalaing isa syang makata.

 

Ikalawang Maria si Criselda

Makabagbag damdaming mga post nya.

Sa aking pang dinig isa ka sa magaling mang bola.

At nang maka pm ka walng humpay na tawa

 

Ang Ikatlong maria na si PAULINA

Na dating tahimik at hindi makapag salita

Ipag paumanhin ang katahimikan ng ka looban nya.

Ina ng Tahanan Mag komento ka sa tatlong

Maria oh Tres muskitera.

 

LADy

"Taglamig ni Naked "
 
Sa panahon ng taglamig
Ako ay kinikilig
Sa samyo ng hanging mahalumigmig
Diwa ko ay natutulig
At napapapilig
Nais muling tunguhin ang aking silid.
 
Sa aking silid muling iidlip
Hulaan nyo kung sino ang aking kaniig
Ang bubuhay sa katawan kong nanlalamig
Na dala ng panahon ngayong  taglamig
 
Mga kamay at paa na nanginginig
Kanyang napapainit sa isang saglit
Buong katawan ko ay kanyang hinahapit
Halos mapugto ang hininga at walang masambit
Ang tanging nagawa lamang ay mangunyapit
 
Kaulayaw ko sya sa bawat saglit
Sa aking tabi di mawawaglit
Ang aking "kumot " sa panlalamig
Syang babalot sa akin ng init,
 
Naked
 

TAG LAMIG

 

Sa bilis ng panahon hindi natin namamalayan tag lamig na pala

Isa ako sa madaling makalimot na ang lameg ay na anjan na.

Si naked na laging nang aalina sa boses nyay parang nasa yelo ka

Hubad na anyo nya ay mag iinit ka libangan nya mic ka

walang kudon.

oh sasali ka?

 

Si ich tag init man oh taglamig anjan sya makakahalay mona.

Ano ba libangan nya?

Sa room lagi mo syang makikita

Mahal kong ich ang payo ng reyna ay sundin mona.

 

Si lady umulan man oh bumagyo mag yelo man oh sa tag lamig

laging hawak ang paboritong luruan

wanna join? or ill teach you how

 

Eto ang huli sa ating reyna

Tag init man oh taglamig ng iinit sya

Di dahil sa angkin nyang ganda kung di dahil sa

Prinsipe nya at prinsesa.

 

Ang apat na ito pag dating sa kubo

limot na ang libangan nila

Dito sa kubo anuman ang klimang ating tinatamasa

Pag pasok mo sa bahay ng kubo dalirimo ay kinikilig pa.

 

LADY

 

Taglamig ni Paulina
 
Mainit man o taglamig tuloy pa ring  rumaratsada
Tutungo sa trabaho upang sya ay kumita
Pagluluto ang ekpertis nya
Kawali at sandok dyan sya kilala.
 
Aba hindi lang pala paglalaro at pagtula ang rampa
kundi pagbibigay kasiyahan sa mga taong magagana
Sa hapag kainan sya ang ngayon ay bida
Mga sangkap handa na nyang isangkutsa.
 
Taglamig di nya alintana
Pagkat mainit ang laging kaharap nya
Limot ang panahong sa labas ay halos yelo na
Pagkat sa gawain nakatutok ang isipan at mata .
 
Pagsapit ng kanyang pamamahinga
Lamig sa kama ng pag iisa
Pinapawi sa kanyang mga alaala
At mga kalungkutan sa  isipan nya.
 
Mapalad ka Paulina
Mayron kang laging kasa kasama
Wala mang buhay sya
Tunay namang ika'y ay napapaligaya
Kaya naman taglamig mo ay nag iinit pa
May ngiti sa labi paggising mo sa umaga.
 
Naked

 
 
 

 

myspace layouts, myspace codes, glitter graphics"Mataray"myspace layouts, myspace codes, glitter graphics

 

Noong bata pa ako' sabi ng aking ina,

''Anak mag iingat ka sa bawat mong makikilala''

Isang salita noon na di ko alintana

Ngunit ngayon ay nababatid ko na.

Batid ko na ngayon ang klase ng tao sa mundo ay iba iba

 

Mayrong hunyango at may buwaya

Mayrong tunay at kaibigang talaga

Mayrong pag ibig na wagas at walang kwenta.

 

Sa larangan ng pagkakaibigan ako ay maasahan

Kasama mo ako pati na sa iyong laban

Ganyan ako magmahal sa aking kaibigan

Ipaglalaban kita sa kahit na anong paraan.

 

Hiling ko po sa inyo ''huwag akong husgahan..

Mataray na SN ko ay sa pangalan lamang

Totoo po akong tao at inyong maasahan

Mapagmahal at mapagkalinga,

maunawain, masunurin at maalam.

                                                                                                       myspace layouts, myspace codes, glitter graphics