Bahay* Kubo* ng mga Antik oh Adik? =))

Ang Alvin bow!
Home
EB Topic!!!
Gawa ni Ich
Ang Alvin bow!
Battle of Naked & Lady
Kwarto ni NAKED
T/S ni TARAY
TåRåy Profile
JOWK
Photos & SN Definitions
B'days & Anniversary....
GueStBooK
Truth "OUCH!!!
Poem's ni Suplada
CHAT life Story...
Tula ni DANILO

 
Payaso
 
mga kalokoha't kasiyahan
iyan daw ang iyong nalalaman
lagi ka ngang pinagtatawanan
at isinasama sa mga umpukan

ngiti mo ay kinasasabikan
kuwento mo ay kinatutuwaan
para kang payaso na batikan
patawa mo ay hinahangaan

kapag sila'y apaw sa kalungkutan
ikaw ang laging nilalapitan
lagi mo raw kasing nababawasan
ang lumbay ng mga kaibigan

pero 'di nila alam, ito'y maskara lamang
dahil ang masaklap na katotohanan ---
puso mo'y nagdurugo, lubhang sugatan
at wala kang magawa, kundi sarilinin ang nararamdaman.
 
vin
 
 
First Love
 
Sinong makakalimot sa unang pag-ibig?
Unang tibok ng pusong tahimik,
Tibok na di malilimutan kailanman,
Sapagkat dulot nitong ligayang tunay.
 
 
Anong lakas ng tibok ng puso kong ito,
Nung araw na ikay aking nakilala.
Tibok na di malilimutan kailanman,
Sapagkat dulot nito’y ligayang tunay.
 
 
Anong sarap pag umibig,
Anong sakit pag nabigo.
Sana’y di mabigo sa unang tibok,
Sana’y di mabigo sa unang pag-ibig.
 
 
Ngunit ang tadhana’y sadyang mapagbiro,
Mga landas natin ay sadyang pinaglayo.
Ngunit ang unang tibok ng pusong tahimik,
Sa paglipas ng mga taon nadarama pa rin.
 
 
Unang pag-ibig, unang tibok ng puso,
Di man nagtagumpay, Masaya na din ang puso.
Sapagkat minsan sa buhay ko nakilala kita,
At naramdaman ko ang unang pag-ibig..
 
 
vin
Dakilang INA

Sa aking paglaki`y ikaw ang aking ilaw
Sa lahat ng aking galaw ikaw ay nakagabay
Sa lahat ng sandali ng aking pangangailangan
Ikaw aking inay ay palaging nakaagapay.

Dumating ang panahon na ako ngayo`y malaki na
Ikaw aking inay, nandyan pa rin sa t`wina
Sa aking mga lakad palaging nagtatanong ka
Tila baga pakiwari ko, ako`y nasasakal na!

Kaya`t kung magkaminsan, ikaw ay nasasagot ko
Ng mga katagang tila ba wala nang respeto
Kaya`t palaging nalalaglag ang mga luha sa mata mo
Dahil sa katigasan nitong aking ulo.

Dumating ang sandali na ako ay lumisan
Dito sa ibang bansa, ako`y nakipagsapalaran
Palaging nag-iisa, wala nang inang gumagabay
Mahirap palang mabuhay nang walang inang kaagapay.

Sa iyo aking inay patawad ang hiling
Sa mga inasal ko nuong ako`y nasa iyong piling
Ang iyong mga pangaral at mga tagubilin
Ang palagi ko ngayong guguni-gunitain.

Nasambit ko na ba sa`yo ang mga katagang Mahal kita..?
Alam kong ngayon ito ay napapanahon na
Habang naririyan ka pa at mayroong hininga
Aking sasambitin, INAY...MAHAL KITA!

Diyos ko dinggin Mo,ang mga dasal ko
Nawa ang aking inay, sa tuwina`y ingatan Mo
Upang sa aking pag-uwi siya ay madatnan ko
Mahagkan at mayakap sa mga bisig ko.

vin

Pagkakaibigan
 
Ang pagkakaibigan ay
parang bahaghari sa kalangitan
Pagkakaibigan ay nagbibigayan
Pitong kulay ng damdamin

Kalungkutan, Kasiyahan,
Katotohanan ,Paninwala,
Sikreto at Respeto
Ito ang bahaghari ng pagkakaibigan
 
Na hindi dapat kalimutan
Magkalayo o magkalapit man,
Ang magkakaibigan!
 
vin
 
 
Sa mga nagaglit dyan
 
Sa mga gustong magbasa at hindi
Bahala kayo kung ayaw nyo
Basta akoy mag papalipad
Ng babasahin nyo
 
 
Kung ayaw mo basahin
Wag mo,
Di kita pinipilit tandaan mo
Basta akoy nawiwili
Sa ginagawa ko
 
Magalit ka na kung gusto mo
Bahala ka sa buhay mo
Di mo hawak ang buhay ko
Kaya manigas ka dyan
Kung gusto mo!
 
 
Nyahahaha! ang Tyong Alvin ko naghuhurumentado
Tila may gulok sa kanyang kamao
Na tila baga isang katipunero
Na lalaban sa digmaang Word War Two
 
Ako ay sang ayong sa iyo Tyong ko
Ano bang paki nila sa iyong kwento
Pero tandaan mo lamang ito
Mabuti man o negatibo ang  sa iyo ay ibato
Pasalamatan mo, ibig sabihin nagbabasa sya nito
 
 
Ikaw naman kung mamamarapatin mo
Kung walang magawa sa buhay sa mundo
Bakit di ka kumuha na lang ng kutsilyo
Hiwain ang pulso at pigaan ng kalamansi ito 
Saka mo budburan ng paminta na pinong pino .
 
Naked
 
 
Inggit!
 
Iwasan ang pag inggit
At ito ay ating iwaglit
Sa puso at isipan nakakapit!
 
Inggit  Inggit
kurot sa singit
samot ang laway
ng dilang mapang-away
 
Inggit Inggit
mata'y laging singkit
silip ng silip
sa silong ni Sirikit
 
inggit inggit
sa gabi'y nanungkit
tapis ni Sirikit
kinamkam ng pilit
 
Inggit Inggit
Ito palang si Singkit
kay Sirikit ay Inggit
labis na ngitngit
laging nakapitik.
 
 
vin
 
Ateh kow
 
akala ko ikaw ay naglaho
Nag alala tuloy ako
Baka akoy iwan nyo
Ni pau na aheeemm....kow
 
Ikaw pala ay ma fans marinag naked kow
Diko alam na ito
Meron bang galit sau?
At bakit ganito ang post mo
 
Bakit di na lang kaya yan sumali
Para sya ay di mag kabuni
Sa inggit nya sa iyo aking binibini
 
Kung sino ka man
Bakit di ka na lang sumali
At ipakita ang iyong talento
Sa pag Compose ng mga kung ano-ano
 
vin
 
Karoling
 
Karoling ito ang ginagawa
Karamihan ng mga bata
At meron din mga matatanda.
 
Ang mga bata ay may daladalang lata
Yun ang pan tambol nila,
At may piping tansan pa na kasama,
Sa pangangaroling nila.
 
Ang mga may edad na man,
May dala-dalang guiatara
Ito ang gamit,
Sa pangangaroling nila.
 
vin
 
Tatlong Maria at isang FAFA!!!!
 
Ang swerte ko naman sa inyong tatlong Maria
Kasi ako napili nyong eskurt,
sa inyong pagrampa
Laking karangalan sakin bilang isang fafa!
 
Kahit san kayo mapadpad sa inyong pagrarampa
Akoy susunod sa inyo Tatlo kung Maria
Kasi ako ang inyong Glow in the Dark nyo
Ika mo nga!
 
Sa ating pagrampa sana maganda ang ibunga
Sana manalo tayo para masaya
Sana Bigyan tayo ng karangalan
Ni ina magenta
 
vin
 
LOvelife
 
O Pag-ibig kong sinta
Ikaw ang tunay na ligaya
Nasa isip ka sa tuwina
Sa gabi man o umaga
Ikaw ang laging naalala
AKo'y labis na nangungulila
 
Di ko sukat akalin
na ako'y iyong lilisanin
Ako'y palaging nanalangin
Na sana'y ika'y laging makapiling
 
Ang buhay minsay napakaramot
dulot nito'y lungkot at poot
Ang aking puso'y nagdurugo parang kinikirot
nang ika'y lumisan buhay ko'y napakalungkot
 
Di ko alam ang aking gagawin
Naalala ang iyong ihinabilin
na ako'y magpakatatag at palaging manalangin
at sa DIYOS nawa'y ako'y dinggin
 
Paalam na sinta kong minamahal
Ikaw ang siyang gabay sa paglalakbay
Di ko makalimutan ang tangi mong pagmamahal
Sa bawat araw na nagdaraan

mga alaala mo'y palaisipan
Dika mawaglit magpakailanman
Sapagkat ika'y nakaukit sa puso't isipan
 
Kahit saan ka man naroroon ngayon
Sana'y maligaya ka at mapayapang poon
Kami'y palaging nananalangin na kami'y sana'y magkaroon
nang buhay na tiwasa at tuwirang tugon.
 
VIN
Hinay Hinay lang
 
Kayoy umaarangkada na nman
At heto akong pinagpapawisan
Sa pag habol sa inyo mga kaibigan
 
Akoy ay nagagalak
Nakakatuwa itong patimpalak
Paligsahan ng mga Utak!
 
Mag hunos dili ka mariang hubad
Kami ay hinihingal na sa pag habol sa'yo
Kaya hinay-hinay lang mariang hubad!
 
Si mariang ich asan na kaya at mukhang nagtago
Dadalawa na lang ang mariang nakikita kow
Si mariang hubad at mariang pau kow!
 
vin
 
Computer
 
Paggising sa umaga, ikaw ang inuuna
Pag-alis ng amo ikaw ay nakaupo na
Sa computer nakatutok aba`t may ka-chat pa
Dito lang din sa internet iyong nakilala.
 
Pampaalis ng homesick upang malibang
Duon sa friendster ikaw ay naka on-line
Naghahanap ng kaibigan or just looking around
Nang dahil sa computer ikaw ay nalilibang.
 
Nang dahil sa computer mga oras ay lumilipas
Pati tanghalian iyo na palang napalampas
Aba, kaibigan huwag mo namang kaligtaan
Na kumain sa oras upang ikaw ay merong lakas.
 
Oh, computer paano kaya kung wala na?
Kaming magkakaibigan tiyak na malulungkot na
Wala nang libangan sa tuwi-twina
Oh computer ikaw ang aming bitamina!
 
Dahil sa computer kami ay sumisigla
Kung may problema ito lang ang kasama
Matiyagang naghihintay kung kelan ito isasara
Walang reklamo, gaano man katagal ay nasa sayo!
 
Paalam computer hanggang sa muling pag sign-in
Ang aking mga trabaho akin munang gagawin
Mga kaibigan ko...ako sana ay hintayin
Sa muli kong pagbabalik at sa computer ay mag sign-in.
 
 
vin
Nakaw Na Sandali

Bigla kang dumating sa buhay ko,
At ako ay umibig sau ng totoo
Diko akalain na magkaka ganito,
Sakit at pait ang dulot mo.

Minahal kita yan ay alam mo,
At di ako nag kulang sayo,
Yan ang tandaan mo,
Pero huli na nong malaman mo.

Kahit alam kong may mahal kang iba,
Di  ako nag dalawang isip na mahalin ka,
Kasi yan ang aking nadarama
Sayo aking sinta.

Di man maging tayo,
Isipin ko na lang ang masasayang alaala mo,
Kahit minsan  sa piling mo,
Naging masaya rin ako.

vin

 
Para saiyo Pau
 
Pau, salamat sayong munting tula,
na alay mo sakin,
Akoy namangha dito sa alay mo sakin.
Sa husay at iyong galing.
 
 
Tama ka aking kapatid
Dimanan tayo nagkakausap
Pero tayo ay magkapatid
Sa kubo ng mga makukulit
 
Sana tayo ay magkakilala
hindi lang dito sa site ng mga siga
Sana pati rin sa pm,
 Para tayo ay sumaya
 
 
Ako ay hindi lang pang arkitekto
Hinahasa ko rin ang aking talento
Try ko rin ang maging makata
Na gaya nyo na tatlong MARIA!
 
Vin

Pagkabata!
 
Kay sarap maging bata
Pagka't walang problema
Laro dito laro doon
Ito ang naaalala
 
Kay sarap maging bata
Kakain at matutulog
Ito lang ang ginagawa
Kay sarap balikan ang pagkabata
 
Kng pwde lng sana gagawin ko na
Pagbalik sa pagkabta ang hiling ko
Mangyari man ito Laro tayo!
 
 
vin
Alimango
 
Hindi man maganda kng ako ay lumakad 
Ako'y linalait pero wala yon sa akin
Pagka't magulang ko'y ganito rin

Ang aking lolo at lola ganito rin sila;
Ako'y malaki,mapula at masarap
Kapag kami'y hinuhuli Nagtatakbuhan kami
Sandata namin aming ipit
 
Sa mga taong gustong lumapit
Ipit nami'y masakit
Kapag kami'y kinukulit
Harang namin ay ipit.
 
vin
Alitaptap
 
Isang gabi,aking naaninag
May mga nagliliparang maliwanag
Ako ay nagulat,sa kanilang paglabas;
 

Sa aming hardin binibigyan ng liwanag
Munting bituin na nagliliparan
Nagagalak ang sino man;
Ilaw nila'y kay liwanag
 
 
Gusto ko silang hulihin
lahat Ito pala ay alitaptap kun tawagin;
Bituin sa bakuran namin
Sila ay nagliliparan
Kay sayang pagmasdan.
 
vin
Ang paru-paru
 
 
May isang paru-paro na lilipad-lipad
Na bago pa lamang nagkakapakpak;
Sa malaking tuwa dili hamak-hamak
 
Biglang paibaba at paitaas
Sa malaking galak ng kanyang loob
Sa isang hardin siya ay napapsok;
Ang dinatnan nya'y isang abang uod
 
Ang sagot ng uod naman ay ganito:
Nakikita mo na ay itinatanong mo pa?
"Ikaw paru-paro ay tantong walang hiya"
 
Walang lingon-likod kung ika'y magwika;
Di muna inisip kung saan ka mula
Baga'y uod ka rin na aking kamukha."
 
 
vin
 
alipin
Alila man,o alipin,
Siya'y tao rin;
Hindi dapat dustain,
Kundi dapat mahalin.
 
Sa mag hapo'y gumagawa,
Hindi maghihintay- awa,
O malaking pagpapala
Kung hndi ng pag-unawa
Alila man,o alipin,
 
Siya ay napapagud rin
Sa marami niyang gawain
Kaya nga't tulungan natin
 
vin

Ang Tulay

Ibig kung marating ang kabilang lupa Kung saan may puno't magagndang bata, Kung saan ang ilog ay puno ng isda,

At pawang may ngiti ang lahat ng mukha.Subali' t kay lawak nitong karagatan, Lalanguyin ko ba? O,kay hirap naman;

O sa bangka kaya,ako'y mananawagan, Kung ako ay ibon,liliparin ko lang. Aba ,ano iyong aking nakikita? Tila may lunas na itong aking dusa,

Iyon ba ay tulay? Oo,tulay nga,

Tatawid na ako sa kbilang lupa!

vin

Ang daigdig
 
May isang tahanang malaki't marikit,
Langit ang bubungan at lupa ang sahig Bawt silid nito'y may bundok na dinding
 
Dagat at batisan ang syang salamin Palamuti naman ang tahanang bulaklak, Tala at bituin ang hiyas na sangkap.
 
Maraming laruang nakapagtataka: Isdang lumalangoy,ibong kumaknta... May tanging laruang isang bolang apoy, Aywan ba kng cno dito'y nagpukol
 
At sino rin kaya ang tagapagsindi, Ng parol na buwang pananglaw kung gabi? Ay sya ang ating mabait na Ama...
 
Kay bango ng hangin na kanyang hininga! At tayo? O,tayo ay magkakapatid Sa buhay na itong ang ngala'y Daigdig!
 
 
VIN

Ang Dwende

Sa hardin ay merong punso, Doon ako'y nagtutungo Upang paligid ay walisin ko't Alisin ang kalat na damo.

Nang ako ay magkasakit, Punso'y hindi nalilinis; Hndi ako makaidlip, Punso'y aking naiisip.

Habang ako'y nakarata'y Sa akin ay may dumalaw, May regalo siyang taglay, Sabi'y siya'y duwende raw

vin

Bituin
 
Sa buhay ko, isa siyang bituin,
Pwedeng pag-aralan, pagmasdan o panuorin.
Hindi nga lang pwedeng angkinin,
Pagkat di ko siya maaring abutin.

Sa kadiliman ng daigdig, siya ang gabay,
Isang inspirasyon sa aking paglalakbay.
Ang nagbibigay ng liwanag sa aking buhay,
Sa Tuwing ang kadiliman ay umaakbay


Alam kong hindi ko siya maabot,
Tanggap kong meron nang planeta sa kanya umiikot.
Mananatili na lamang ako rito at manonood,
Hanggang sa makakita ako ng talang nahuhulog.
 
 
vin
Hindi ako nag iisa
 
Hndi ako natatakot mag-isa
Dahil alam ko di ako nag iisa;
Mga kaibigan ko man ay magbago
Kahit oras man ay huminto

 
Darating man ang problema
Hindi ako nag-iisa
Kahit ilang bagyo pa
Sasagupain ko sila;
 
Mag iba man ang aking mga plano
Aalalayan nya ako
Hindi ako nag iisa
Ang D'yos lagi kung kasama
 
vin

Ang Pag-big
 
Ang Pag-big daw ay parang Kape....
 
Masarap kung mainit, pamawi ng lamig
Dama ang sarap, hanggang sa dibdib.
Minsan matamis, ika’y masisiyahan
Nag-uumapaw ang yong kasiyahan
 
Minsan masarap yung may halong creamer
Ang pag-ibig ay nagiging wilder
Romantic ang dating pag may surprises
Capuccino, mochaccino, u can never guess
 
Pero hindi naman lagi kang masasarapan
Tulad ng kape, love ay tumatabang
Nawawala ang aroma, kung nanlalamig
Nawawala ang saya kapag kulang ang pag-ibig.
 
Minsan mapait, at sobrang tapang
Ang pag-ibig ay sakit sa lalamunan
Kapag ika’y napaso sa sobrang init
Mailuluwa mo dahil sa sakit.
 
BUWISIT NA PAG-IBIG YAN!!! BAKIT AYAW AKONG TANTANAN???! !!
Bumabalik-balik kahit na ako’y masaktan
Ilang beses ko nang sinabi, na ayaw ko na!
Pero eto pa rin, hinahanap-hanap sya.
 
vin
 
Ako
 
Sabi nila ako ay pogi
Sabi ko naman di lang pogi
Pero ang totoo mababaliw ka
Sa taglay kung ito lahat ay hanga
 

Hndi lahat ng tao ay taglay ng kagaya ko
Sorry nalang sa iba
Mainggit man kayo ako'y ganito na
Minsan ay napapatanga sila

 
Minsan din ay napagkakamalang artista
Mahirap din pala ang pogi
Gusto ng lahat iyong kamukha
Orignal ito at di magagaya.
 
vin
 
 
Celfon
Ito ay gamit na naimbento
Nagpapabilis ng kumunikasyon ng tao
Minsa'y full battery o low battery
Hawak mo hawak ko
 
 
Salamat sa nag imbento
Kwento ko,balita mo abot ng buong mundo
Mga taong nagkakalayo
Napapalapit mo
 
 
Celfon kung tawagin
Mahal man o mura
Ang importante ay nakakatawag ka
Ika'y natatawagan At minsan ay may text
 
 
Celfon na kay ganda
Gamitin lng sa tama
Upang ikaw at ako ay laging masaya
 
vin
 
Tumawa!LOLZ..
 
Kung ikaw ay nagbabasa
Nang magazine na nakakatawa
Pagtawa ay huwag pipigilan
Dahil dito makikita
 
Kung ang binabasa ay nakakatawa
Kung hindi ka tatawa I
isipin ng iba di naiintindihan ang binabasa
Di bale ng maloka sa katatawa
Kung ako sa'yo tumawa ng tumawa
 
Upang tao sa paligid mo ay mahawa!
 
 hohoho! Ay,heheheheh pla...
 
vin
Gulong ng buhay
 
Minsan nasa ilalim
Minsan nama'y nasa ibabaw
Ito ang tinatawag na gulong ng buhay
 
Madaling intindihin
Madaling unawain
Ang salitang ito na hindi malalim
 
Alamin lang ang kahulugan
Ika'y di mapag iiwanan
Sa biyahe ng buhay
Lahat tayo ay sasakay
 
Ika'y kumapit lang
Sa pag ikot ng gulong ng buhay
 
vin
*Ngiti
 
Ang ngiting kay tamis
Kay sarap na tunay;
Panlunas sa lungkot,
Pang-alis ng lumbay
 
Ngiti na maganda, Ibigay sa iba 
Upang ikaw rin ay bigyan nila
Matamis na ngiti iyong ibinhi
Upang ito ay anihin ng marami;
 
Ngumiti ng luha'y mapawi
Araw-araw ngumiti
Upang pagud mo'y mapawi
 
vin

 

myspace layouts, myspace codes, glitter graphics"Mataray"myspace layouts, myspace codes, glitter graphics

 

Noong bata pa ako' sabi ng aking ina,

''Anak mag iingat ka sa bawat mong makikilala''

Isang salita noon na di ko alintana

Ngunit ngayon ay nababatid ko na.

Batid ko na ngayon ang klase ng tao sa mundo ay iba iba

 

Mayrong hunyango at may buwaya

Mayrong tunay at kaibigang talaga

Mayrong pag ibig na wagas at walang kwenta.

 

Sa larangan ng pagkakaibigan ako ay maasahan

Kasama mo ako pati na sa iyong laban

Ganyan ako magmahal sa aking kaibigan

Ipaglalaban kita sa kahit na anong paraan.

 

Hiling ko po sa inyo ''huwag akong husgahan..

Mataray na SN ko ay sa pangalan lamang

Totoo po akong tao at inyong maasahan

Mapagmahal at mapagkalinga,

maunawain, masunurin at maalam.

                                                                                                       myspace layouts, myspace codes, glitter graphics