Bahay* Kubo* ng mga Antik oh Adik? =))

Gawa ni Ich
Home
EB Topic!!!
Gawa ni Ich
Ang Alvin bow!
Battle of Naked & Lady
Kwarto ni NAKED
T/S ni TARAY
TåRåy Profile
JOWK
Photos & SN Definitions
B'days & Anniversary....
GueStBooK
Truth "OUCH!!!
Poem's ni Suplada
CHAT life Story...
Tula ni DANILO

best.jpg

besttttt.....eto na po bayad ko sa utang ko.... bawas utang ako best

inspired by the song IF IM NOT IN LOVE WITH YOU... at the same time because of a very important person...i hope this will reach you.... it triggered my poetic side again... and of course my one and only best... for being there always... thanks... this is also for you.... love you both


KUNG HINDI KITA MAHAL

Sa pagmamahalan
Tuwina'y hindi maiiwasan
Maraming katanungan sa ating isipan
Na nangngaillangan ng mga kasagutan

Pangkaraniwan na itong inuusal
Ako ba ay iyong mahal?
Na sa aking palagay ay normal
Sa isang taong tunay na nagmamahal

Kung hindi kita mahal....
Ano ang tawag sa aking nararamdaman?
Puso't isip ko ay ikaw ang tanging laman
Araw, oras, minuto o segundo man
Kailanman hindi ka nawala sa aking isipan

Sa twina'y hanap-hanap kita
Hindi napapansin ang oras kapag kasama at kausap ka
Gagawin ang lahat makapiling lang kita
Minamahal ka kahit ako'y nasasaktan na....




ich

ANG MGA SIGA BOW!!!!


Pagdamutan sana itong aking nakayanan
At pagpasensyahan ang aking kakulitan
Sapagkat hindi makatulog ang inyong kaibigan
Dahil ang tulang itong nagsusumiksik sa aking isipan

alvin

Sa taong ito di ko alam ang sasabihin
Dahil sa sya ay kailangan ko pang kilalanin
Pero sa pagsulat  ay magaling aking napansin
Nagulat nga ako't tumutula na rin

vamp/jhun

Dito sa manugang ko ako'y walang masabi
Dahil sya ay may napakabuting ugali
Pagtawag nya ng inay sa akin ay karangalan lagi
Masayahin lagi kahit ang puso'y nasawi

dart

Pag-wb sa aking laging may kasamang nguso
Isang taong alam kong mayrong malaking puso
Sa paghingi ng payo hindi ka mabibigo
Gusto nya ang lahat ay magkakasundo

nadine

Buhay ko ang tawagan namin
Kilalang tao sa pagiging masayahin
Baka mapikon ka kung ikaw ay asarin
Ngunit sa totoo sya'y maaasahan din

blu

Matagal ko ng kaibigan ito
Nagsimula sa trenta hanggang dito sa kubo
Isang mahusay na modelo
Sa pagrampa hustler ito

jhena

Babes ko sa kubo
Maasahan at mahal kong totoo
Hindi malilimutan nasaan man ako
Kahit na tulad ni best bina-blackmail nya ako

pau

Dalagang mapaglaro
Career ay pagluluto
Sa kulitan at kalokohan ikaw say susuko
Pero sya ay mayroong malinis na puso

naked

Hubad na malikot ang isip
Paggawa ng tula't kwento ang kanyang trip
Maging kaibigan sya kailanma'y di ko naisip
Ngunit sa maging close kami tuwa ko'y walang kahulilip

taray

Sa bahay kubo, sya ang ina't reyna
Pag may assignment, kailangan ika'y gumawa
Kundi sigurado piano mode ang icon nya
At kung minsan may kasamang blackmail pa

ich

At syempre sa listahan hindi mawawala
Ang nag-iisang rapist na babae ng trenta
Halay hindi pwedeng wala sya
Nalilimutan ang lahat basta honey ay nilalapastangan na

Sana'y inyong naibigan
Ang aking mga tinuran
Sa tulang aking pinaghirapan
Kung di nyo nagustuhan ay pasensya na lang


ich

NAKED & LADY HUBAD
 
Dalawang babaeng walang katulad ang ganda
Maraming kalalakihan ang nahahalina
Nakilala ko dito sa bahay na masaya
Aba'y makukulit din pala sila
 
Makatang hubad na nasa Amerika
Napakagaling humabi ng istorya
Talagang sinubaybayan ko ang kwento niya
Kahit na ako ako'y naiinip na
 
Ito namang dalagang hubad ang ating pag-usapan
Nakilala ko ng ako ay puntahan
Dito sa aming munting tahanan
Di ko akalain kakaiba ang libangan
Kaibigan wag mong kakalimutan pangko mong laruan
 
Luha, pamagat ng tulang kanilang ginawa
Hindi ko alam dahil sa akin nalikha
Nang aking mabasa ako'y nabigla't natuwa
Kaya ako ngayon napilitan gumawa ng tula
 
Milya-milya man ang layo ng aming kinaroroonan
Ngunit ito'y hindi naging hadlang sa aming pagkakaibigan
Sila'y kaibigan na laging maasahan
Sa gitna ng problema'y hindi ka iiwanan
 
ich
 
 
BEST KO
 
SN nya'y mataray
Ngunit sa pagkakalam ko'y mabait na tunay
Syang nagtayo nitong kubong bahay
Di ko malilimutan kahit ako'y maraming halay
 
Isang mabuting asawa't mapagmahal na magulang
Kapakanan ng supling isinasa-alang-alang
Mapagmahal na sa kanyang kabiyak na hirang
Para sa kanya ang pamilya ay laging una sa listahan
 
Best ko sa bahay kubo
Im sure for life na ito
Isang kaibigang mapagkakatiwalaan mo
Di ka nya iiwan kahit paulit-ulit na ang sinasabi mo
 
Yan ang best ko
Sa pagkakaibiga'y totoo
Sa pagmamahal ay bigay todo
Ano pa ang hahanapin mo?
 
ich
 
 
BABES JHENA
 
Itong babes ko na nasa Alemanya
Angking kagandahan ay tanging kanya
Di kayang sukatin ang kabutihan niya
Pati sa pagmamahal todo bigay sya
 
Nakilala at naging kaibigan ko sa trenta
Sa pagbibigay ng payo ay walang sawa
Kahit bingi na sya sa aking pagngawa
Sa pakikinig hindi sya nagsasawa
 
Isang kaibigang totoo
Napatunayan ko ito
Saan man ako mapunta dito sa mundo
Hindi kalilimutan pagkakaibigan na alay mo
 
Sana naman ay mabasa mo
Itong tulang ginawa ko para sayo
bawat salita dito'y pinag-isipan ko
Tandaan mo, galing lahat ito sa puso ko
 
ich
 
 
BAHAY NG SIGA
 
Bahay na masaya
Bakit dito sa computer nakita
Mga kasambahay mo'y gwapo't maganda
Pakikipag-usap sa kanila'y hindi nakakasawa
 
Dito sa bahay may lungkot at saya
At kung minsan nga ay may nagkakagalit pa
Ngunit lahat ito ay mga sangkap lamang
Ng isang isang maganda at mahusay na samahan
 
Iba-iba ng ugali
Iba-iba ang prinsipyo
Kanya-kanya ng katangian, negatibo man o positibo
Ngunit lahat naman ay nagkakasundo
 
Masarap na tirahan ang ganitong tahanan
Sana ang pagkakaibigan ay wala ng katapusan
Kahit na sa pagdating ng ationg katandaan
Pagkakaibigan sana ay ating alagaan
 
ich
 
 
Sharmaine
 
Magandang payaso
Dito sa bahay kubo
Inampon at naging anak ko
Sa kalokohan at kasiyahan magkasama kami nito
 
Naalala mo pa ba ang show na maganda
Na sa iyo ay aking ipinakita
Sumakit ang tiyan natin sa kakatawa
Sapagkat palabas naman ay talagang nakakatuwa
 
Lahat ng anak ko'y mahal sa akin
Kabilang na dito payasong masayahin
Kailanman ay hindi maaring limutin
Dahil sa kanyang pusong busilak na angkin
 
Kaya sana anak sa puso't isip mo'y tumimo
Kahalagahan at pagmamahal sayo ng momi mo
Kung sakaling suliranin ay dumating sayo
Lagi mong tatandaan nandito lang ako
 
 
momi ich
TUNAY NA KAIBIGAN
 
Tunay na kaibigan, ano para sayo?
Katangian nila sa hinahanap mo
Marahil sa paghahanap mahihirapan tayo
Dahil sadyang mahirap magtiwala kung kani-kanino
 
Tunay na kaibigan para sa akin
Isang taong maunawain
Kasa-kasama mo sa lahat ng gawain
Di ka pababayaan sa maling landasin
 
Tunay na kaibigan ay laging maasahan
Dadamayan ka sa saya at kalungkutan
Pinahahalagahan ang inyong samahan
Pagkakaibigan nyo sa kanya'y kayamanan
 
Sa mga sikreto sya'y mapagkakatiwalaan
Hindi nya ipagsasabi kahit kanino man
Itatama niya iyong kamalian
Hindi ka pababayaang gumawa ng kasamaan
 
Kaibigang totoo, marami ako nito
At masasabi ko na napakapalad ko
Sa pagkakaroon ng kaibigang tulad nyo
Sapagkat tulad ninyo ay kayamanang ginto
 
ich
 
 
as requested... ang 3 musketera... ang alam ko dapat si best yung isa dito eh.... sabi nya ako daw yun wahahahahhaha... anyway eto na... all for one... one for all.... (naked, ladyhubad & ich)
 
TRES MUSKETERAS
 
Tres musketeras kung tawagin
Nitong inang butihin
Dito sa bahay kubo natin
Di ko lang alam kung itong titulo ay bagay sa amin
 
Teka, teka bakit nga ba tres musketera?
Unang-una pare-pareho kaming magaganda
Wahahahaha wag ka nang kumontra
Dahil baka ikaw ay magiyera
 
Unang musketera ay isang hubadera
Kitang-kita naman sa SN nya di ba
Ngunit kapag sya'y iyong nakilala
Bibilib ka sa angking telento nya
 
Ikalawang musketera ay mahilig maglaro
Lady_playmyself yan ang kanyang baro
Huwag mong hamunin baka ika'y mapasubo
Sa bandang huli tiyak ikaw ang susuko
 
Halayera ang tawag kay ich na musketera
Dahil sa ang halay ay marami sya
Gusto mo bang sumali sa hanay ng halay nya?
Aba'y bilisan mo na
Sa dami nila, schedule mo'y sa isang buwan pa
 
Mahal na ina nitong ating tahanan]
Pagpasensyahan na ang aming kakulitan
Layunin lamang kayo'y masiyahan
Sa pagbasa nitong tulang sa inyo inilaan
 
ich
 
 
 
BABALIK KA RIN
 
Noong ako'y iyong nilisan
Itong puso'y lubhang nasaktan
Hindi alam kung ano ang nagawang kamalian
Dahilan upang ako'y iyong iwanan
 
Sabi ko sa sarili, kailangan kitang limutin
Pati lahat ng pinagsamahan natin
Ang paglimot sayo ay kailangan ng gawin
Kahit pa ikaw ay mahal pa rin sa akin
 
Isang araw alam kong babalik ka rin
At susubukan puso'y muling angkinin
Lahat ng paraan ay iyong gagawin
Upang pagmamahal ko ay muli mong kamtin
 
Ngunit isang lalaking may pag-ibig na tapat
Sakit ng puso'y sya ang umampat
Pagmamahal nya para sa aki'y sapat
At para sa iyo'u huli na ang lahat
 
ich
 
TAG-LAMIG
 
Panahon ng tag-lamig
Sa buong daigdig
Bawat tao sa lamig ay nangangaligkig
Nangangailangan ng mainit na bisig
 
Kung ikaw ay nag-iisa at malungkot
At puso mo ay nagkukutkot
Walang magagawa kundi mamaluktot
O kaya'y magtalukbong ng kumot
 
Kung kasuyo naman ay kapiling
Sigurado braso't binti ay laging magkakawing
Kumot naman ay gagawing tabing
Tiyak maririnig mo ang halinghing
 
Hay naku! inggitin ba ako
Nitong mga kaibigan kong kasama ang kasuyo
At sigurado sa lambingan ay di sila zero
Hmp!! kailangan umuwi na kahit isa sa pentagon ko
 
 
ich
 

.

 

myspace layouts, myspace codes, glitter graphics"Mataray"myspace layouts, myspace codes, glitter graphics

 

Noong bata pa ako' sabi ng aking ina,

''Anak mag iingat ka sa bawat mong makikilala''

Isang salita noon na di ko alintana

Ngunit ngayon ay nababatid ko na.

Batid ko na ngayon ang klase ng tao sa mundo ay iba iba

 

Mayrong hunyango at may buwaya

Mayrong tunay at kaibigang talaga

Mayrong pag ibig na wagas at walang kwenta.

 

Sa larangan ng pagkakaibigan ako ay maasahan

Kasama mo ako pati na sa iyong laban

Ganyan ako magmahal sa aking kaibigan

Ipaglalaban kita sa kahit na anong paraan.

 

Hiling ko po sa inyo ''huwag akong husgahan..

Mataray na SN ko ay sa pangalan lamang

Totoo po akong tao at inyong maasahan

Mapagmahal at mapagkalinga,

maunawain, masunurin at maalam.

                                                                                                       myspace layouts, myspace codes, glitter graphics