Bahay* Kubo* ng mga Antik oh Adik? =))

Home | EB Topic!!! | Gawa ni Ich | Ang Alvin bow! | Battle of Naked & Lady | Kwarto ni NAKED | T/S ni TARAY | TåRåy Profile | JOWK | Photos & SN Definitions | B'days & Anniversary.... | GueStBooK | Truth "OUCH!!! | Poem's ni Suplada | CHAT life Story... | Tula ni DANILO

?

bestko.jpg

ANG MGA SIGA BOW!!!!


Pagdamutan sana itong aking nakayanan
At pagpasensyahan ang aking kakulitan
Sapagkat hindi makatulog ang inyong kaibigan
Dahil ang tulang itong nagsusumiksik sa aking isipan

alvin

Sa taong ito di ko alam ang sasabihin
Dahil sa sya ay kailangan ko pang kilalanin
Pero sa pagsulat  ay magaling aking napansin
Nagulat nga ako't tumutula na rin

vamp/jhun

Dito sa manugang ko ako'y walang masabi
Dahil sya ay may napakabuting ugali
Pagtawag nya ng inay sa akin ay karangalan lagi
Masayahin lagi kahit ang puso'y nasawi

dart

Pag-wb sa aking laging may kasamang nguso
Isang taong alam kong mayrong malaking puso
Sa paghingi ng payo hindi ka mabibigo
Gusto nya ang lahat ay magkakasundo

nadine

Buhay ko ang tawagan namin
Kilalang tao sa pagiging masayahin
Baka mapikon ka kung ikaw ay asarin
Ngunit sa totoo sya'y maaasahan din

blu

Matagal ko ng kaibigan ito
Nagsimula sa trenta hanggang dito sa kubo
Isang mahusay na modelo
Sa pagrampa hustler ito

jhena

Babes ko sa kubo
Maasahan at mahal kong totoo
Hindi malilimutan nasaan man ako
Kahit na tulad ni best bina-blackmail nya ako

pau

Dalagang mapaglaro
Career ay pagluluto
Sa kulitan at kalokohan ikaw say susuko
Pero sya ay mayroong malinis na puso

naked

Hubad na malikot ang isip
Paggawa ng tula't kwento ang kanyang trip
Maging kaibigan sya kailanma'y di ko naisip
Ngunit sa maging close kami tuwa ko'y walang kahulilip

taray

Sa bahay kubo, sya ang ina't reyna
Pag may assignment, kailangan ika'y gumawa
Kundi sigurado piano mode ang icon nya
At kung minsan may kasamang blackmail pa

ich

At syempre sa listahan hindi mawawala
Ang nag-iisang rapist na babae ng trenta
Halay hindi pwedeng wala sya
Nalilimutan ang lahat basta honey ay nilalapastangan na

Sana'y inyong naibigan
Ang aking mga tinuran
Sa tulang aking pinaghirapan
Kung di nyo nagustuhan ay pasensya na lang


ich

NAKED & LADY HUBAD
 
Dalawang babaeng walang katulad ang ganda
Maraming kalalakihan ang nahahalina
Nakilala ko dito sa bahay na masaya
Aba'y makukulit din pala sila
 
Makatang hubad na nasa Amerika
Napakagaling humabi ng istorya
Talagang sinubaybayan ko ang kwento niya
Kahit na ako ako'y naiinip na
 
Ito namang dalagang hubad ang ating pag-usapan
Nakilala ko ng ako ay puntahan
Dito sa aming munting tahanan
Di ko akalain kakaiba ang libangan
Kaibigan wag mong kakalimutan pangko mong laruan
 
Luha, pamagat ng tulang kanilang ginawa
Hindi ko alam dahil sa akin nalikha
Nang aking mabasa ako'y nabigla't natuwa
Kaya ako ngayon napilitan gumawa ng tula
 
Milya-milya man ang layo ng aming kinaroroonan
Ngunit ito'y hindi naging hadlang sa aming pagkakaibigan
Sila'y kaibigan na laging maasahan
Sa gitna ng problema'y hindi ka iiwanan
 
ich
 
 
BEST KO
 
SN nya'y mataray
Ngunit sa pagkakalam ko'y mabait na tunay
Syang nagtayo nitong kubong bahay
Di ko malilimutan kahit ako'y maraming halay
 
Isang mabuting asawa't mapagmahal na magulang
Kapakanan ng supling isinasa-alang-alang
Mapagmahal na sa kanyang kabiyak na hirang
Para sa kanya ang pamilya ay laging una sa listahan
 
Best ko sa bahay kubo
Im sure for life na ito
Isang kaibigang mapagkakatiwalaan mo
Di ka nya iiwan kahit paulit-ulit na ang sinasabi mo
 
Yan ang best ko
Sa pagkakaibiga'y totoo
Sa pagmamahal ay bigay todo
Ano pa ang hahanapin mo?
 
ich
 
 
BABES JHENA
 
Itong babes ko na nasa Alemanya
Angking kagandahan ay tanging kanya
Di kayang sukatin ang kabutihan niya
Pati sa pagmamahal todo bigay sya
 
Nakilala at naging kaibigan ko sa trenta
Sa pagbibigay ng payo ay walang sawa
Kahit bingi na sya sa aking pagngawa
Sa pakikinig hindi sya nagsasawa
 
Isang kaibigang totoo
Napatunayan ko ito
Saan man ako mapunta dito sa mundo
Hindi kalilimutan pagkakaibigan na alay mo
 
Sana naman ay mabasa mo
Itong tulang ginawa ko para sayo
bawat salita dito'y pinag-isipan ko
Tandaan mo, galing lahat ito sa puso ko
 
ich
 
 
BAHAY NG SIGA
 
Bahay na masaya
Bakit dito sa computer nakita
Mga kasambahay mo'y gwapo't maganda
Pakikipag-usap sa kanila'y hindi nakakasawa
 
Dito sa bahay may lungkot at saya
At kung minsan nga ay may nagkakagalit pa
Ngunit lahat ito ay mga sangkap lamang
Ng isang isang maganda at mahusay na samahan
 
Iba-iba ng ugali
Iba-iba ang prinsipyo
Kanya-kanya ng katangian, negatibo man o positibo
Ngunit lahat naman ay nagkakasundo
 
Masarap na tirahan ang ganitong tahanan
Sana ang pagkakaibigan ay wala ng katapusan
Kahit na sa pagdating ng ationg katandaan
Pagkakaibigan sana ay ating alagaan
 
ich
 
 
Sharmaine
 
Magandang payaso
Dito sa bahay kubo
Inampon at naging anak ko
Sa kalokohan at kasiyahan magkasama kami nito
 
Naalala mo pa ba ang show na maganda
Na sa iyo ay aking ipinakita
Sumakit ang tiyan natin sa kakatawa
Sapagkat palabas naman ay talagang nakakatuwa
 
Lahat ng anak ko'y mahal sa akin
Kabilang na dito payasong masayahin
Kailanman ay hindi maaring limutin
Dahil sa kanyang pusong busilak na angkin
 
Kaya sana anak sa puso't isip mo'y tumimo
Kahalagahan at pagmamahal sayo ng momi mo
Kung sakaling suliranin ay dumating sayo
Lagi mong tatandaan nandito lang ako
 
 
momi ich
 
BABE
 
It started when u said Hi!
And i said Hello as a reply
The love you felt i thought was never a lie
But you only left tears for me to dry
 
The love i feel and showed you
Has always been pure and true
And you know how much i love you so
And i never wanted to let you go
 
Bit then you said let's call it quits
And left my heart cut into bits
Still my heart never lose hope
That you will come back to your real home
 
And now im sitting here waiting
For you to call me babe again...
 
ich
 
 
*EDWIN*
 
Hindi ko maintindihan kung bakit ganito
Ikaw pa rin ang laman nitong puso ko
Kahit dulot mo sa aki'y pagkabigo
Itong aking puso'y hindi pa rin sumusuko
 
Sa aking pagtulog laman ka ng isipan
Pati ba sa paggising ay ikaw na naman
Bakit ba ang paghihintay ay di ko magawang pagsawaan
Kahit alam kong hindi mo na ako babalikan
 
Sa puso't isipan ko mananatiling ikaw lamang
Hindi malilimutan magpakailanman
Ngunit pagbabalik mo'y hindi ko na aasahan
Kaya't paglimot sayo akin ng pag-aaralan
 
ich
 
 
Ito naman ang aking masasabi
Sa tula mo sis Ich para sa isang lalaki
Na minamahal mo ng tapat at iba ang ganti
Isa yang unggoy na pagsisinungaling ang hobby
 
Ang maipapayo sa iyo ng marami
Kalimutan na ito at itabi
Wag ng pahirapan pa ang sarili
Sa walang kwentang unggoy na parang hindi lalaki
 
Puso mong nasaktan ay lulunasan
Pahiran mga mata mong sa luha ay nahilam
Ngiti sa iyong labi ay muling masisilayan
Bagong umaga sa buhay moy makakamtan
 
 
Humayo ka at simulan sya ay kalimutan
Isama mo na lang sa iyong mga balutan
Ibalot mo at ilagay sa basurahan
Saka mo sunugin at dasalan
 
Ipanalanging katahimikan ay makamtan
Sa ginawa sa iyong kawalanghiyaan
Ang lahat ay mayrong kabayaran
Darating din ang kanyang kapalaran...
 
 
At doon mo sabihing .... EDWIN paalam!
 
Naked
 
 
TUNAY NA KAIBIGAN
 
Tunay na kaibigan, ano para sayo?
Katangian nila sa hinahanap mo
Marahil sa paghahanap mahihirapan tayo
Dahil sadyang mahirap magtiwala kung kani-kanino
 
Tunay na kaibigan para sa akin
Isang taong maunawain
Kasa-kasama mo sa lahat ng gawain
Di ka pababayaan sa maling landasin
 
Tunay na kaibigan ay laging maasahan
Dadamayan ka sa saya at kalungkutan
Pinahahalagahan ang inyong samahan
Pagkakaibigan nyo sa kanya'y kayamanan
 
Sa mga sikreto sya'y mapagkakatiwalaan
Hindi nya ipagsasabi kahit kanino man
Itatama niya iyong kamalian
Hindi ka pababayaang gumawa ng kasamaan
 
Kaibigang totoo, marami ako nito
At masasabi ko na napakapalad ko
Sa pagkakaroon ng kaibigang tulad nyo
Sapagkat tulad ninyo ay kayamanang ginto
 
ich
 
Ako naman Ich ang sasagot dito
Sa "tunay na kaibigang" tula na ginawa mo
Maraming uri ang tao sa mundo
Pakaingat ka marami din ang hunyanggo
 
Kung ano ang balat mo sya ding anyo nito
Ngunit pagtalikod mo aatake naman sayo
Laging maghanda sa ganitong mga tao
Hawakan mo buntot ng page at ihambalos dito
 
Kaibigang tapat ay laging nasa sayo
Di ka iiwanan maguho mang mundo
Papawiin ang luha mo sa gitna ng siphayo
Papalitan ng ngiti at makulay na mundo
 
Iilan lang ang taong ganito
Sakaling makatagpo ka pagyamin ito
Ingatan sya at pakamahalin mo
Kapit kamay kayo sa pagtahak sa mundo.
 
Naked
 
 
as requested... ang 3 musketera... ang alam ko dapat si best yung isa dito eh.... sabi nya ako daw yun wahahahahhaha... anyway eto na... all for one... one for all.... (naked, ladyhubad & ich)
 
TRES MUSKETERAS
 
Tres musketeras kung tawagin
Nitong inang butihin
Dito sa bahay kubo natin
Di ko lang alam kung itong titulo ay bagay sa amin
 
Teka, teka bakit nga ba tres musketera?
Unang-una pare-pareho kaming magaganda
Wahahahaha wag ka nang kumontra
Dahil baka ikaw ay magiyera
 
Unang musketera ay isang hubadera
Kitang-kita naman sa SN nya di ba
Ngunit kapag sya'y iyong nakilala
Bibilib ka sa angking telento nya
 
Ikalawang musketera ay mahilig maglaro
Lady_playmyself yan ang kanyang baro
Huwag mong hamunin baka ika'y mapasubo
Sa bandang huli tiyak ikaw ang susuko
 
Halayera ang tawag kay ich na musketera
Dahil sa ang halay ay marami sya
Gusto mo bang sumali sa hanay ng halay nya?
Aba'y bilisan mo na
Sa dami nila, schedule mo'y sa isang buwan pa
 
Mahal na ina nitong ating tahanan]
Pagpasensyahan na ang aming kakulitan
Layunin lamang kayo'y masiyahan
Sa pagbasa nitong tulang sa inyo inilaan
 
 
 
ich

 
Aba! naman ako ay nagulantang
Sa tulang iyong tinuran
Tres Musketeras na pangalan
Biglang nagising ang kamalayan.
 
Sa akin lamang pong katantuan
Tres Musketeras na tinuran
Nagtatago sa maskara at katauhan
Kaya ba ako ay iyong bibihisan?
Dahil ako ay hubad na tinuran.
 
Abang lingkod po ay pagdamutan
Sa aking munting kakayanan
Bukod sa paghuhubad at pananampatan
Isa din akong katipunera ng lipunan.
 
Ako ay hahabi na din lamang
Ng ating titulong kakamtan
Sa pagtutunggaling sinuungan
Nabuo ang isang samahan.
 
At sa halos araw araw na sagutan
Dito sa ating munting tahanan
Unti unting nagkakatapatan
At nagkaron ng katatagan,
Ang samahan ng  magkakaibigan
Na  puno ng katiwasayan.
 
 
Bilang Tres Musketeras, ng tahanan
Handa ba kayo sa laban?
Matatag ka na ba kaibigan
Sa hamon ng sandatahan?
 
Sa laban dibdib ay tibayan
Upang ganap kang isang kabilang
Ng Tres Musketeras ng bayan
Sa bahay ng Siga .... ang duwag ay walang  puwang !
 
 
Naked
 

Tres Musketeras

Ipag paumanhin ang aking katahimikan.

heto nanaman akot nag babalik sa tahan.

Aba! mga kapatid sa tahanang ito,

 isinama nyo pa ko sa kulitan nyo.

 

Akoy nag papasalamat at akoy isinali nyo.

Tres Muskitera

Si sis ich na nag karoon ng Idea.

Sis naked na matalim ang utak ng hahamon sa laban nya.

 

Akoy makikisali sa hamon ng hubad kong Prinsesa.

Waaaaaaa ina ng tahanan alam ko ikaw ang may idea.

Sa galing mo sino sa aming tatlo ang may talentong kaya.

 

Lady

 
BABALIK KA RIN
 
Noong ako'y iyong nilisan
Itong puso'y lubhang nasaktan
Hindi alam kung ano ang nagawang kamalian
Dahilan upang ako'y iyong iwanan
 
Sabi ko sa sarili, kailangan kitang limutin
Pati lahat ng pinagsamahan natin
Ang paglimot sayo ay kailangan ng gawin
Kahit pa ikaw ay mahal pa rin sa akin
 
Isang araw alam kong babalik ka rin
At susubukan puso'y muling angkinin
Lahat ng paraan ay iyong gagawin
Upang pagmamahal ko ay muli mong kamtin
 
Ngunit isang lalaking may pag-ibig na tapat
Sakit ng puso'y sya ang umampat
Pagmamahal nya para sa aki'y sapat
At para sa iyo'u huli na ang lahat
 
ich
 
TAG-LAMIG
 
Panahon ng tag-lamig
Sa buong daigdig
Bawat tao sa lamig ay nangangaligkig
Nangangailangan ng mainit na bisig
 
Kung ikaw ay nag-iisa at malungkot
At puso mo ay nagkukutkot
Walang magagawa kundi mamaluktot
O kaya'y magtalukbong ng kumot
 
Kung kasuyo naman ay kapiling
Sigurado braso't binti ay laging magkakawing
Kumot naman ay gagawing tabing
Tiyak maririnig mo ang halinghing
 
Hay naku! inggitin ba ako
Nitong mga kaibigan kong kasama ang kasuyo
At sigurado sa lambingan ay di sila zero
Hmp!! kailangan umuwi na kahit isa sa pentagon ko
 
 
ich
 
 

bakit - rachelle ann go.

 

myspace layouts, myspace codes, glitter graphics"Mataray"myspace layouts, myspace codes, glitter graphics

 

Noong bata pa ako' sabi ng aking ina,

''Anak mag iingat ka sa bawat mong makikilala''

Isang salita noon na di ko alintana

Ngunit ngayon ay nababatid ko na.

Batid ko na ngayon ang klase ng tao sa mundo ay iba iba

 

Mayrong hunyango at may buwaya

Mayrong tunay at kaibigang talaga

Mayrong pag ibig na wagas at walang kwenta.

 

Sa larangan ng pagkakaibigan ako ay maasahan

Kasama mo ako pati na sa iyong laban

Ganyan ako magmahal sa aking kaibigan

Ipaglalaban kita sa kahit na anong paraan.

 

Hiling ko po sa inyo ''huwag akong husgahan..

Mataray na SN ko ay sa pangalan lamang

Totoo po akong tao at inyong maasahan

Mapagmahal at mapagkalinga,

maunawain, masunurin at maalam.

                                                                                                       myspace layouts, myspace codes, glitter graphics